"Ang galing mo naman asawa ko napaamo mo talaga si Mama at Papa, akala ko magiging problema talaga natin sila habang buhay. Si lola na lang ang problema natin, sana magpaamo mo na rin siya bago siya bumalik sa probinsya. Para wala na tayong problema kapag nagkaokasyon doon pwedeng pwede na tayong umuwi. Hindi na siya maghihistirikal katulad kanina." wika ni Conran kay Marikit. "Iyon nga hindi ko alam kung papaano ko gagawin eh medyo nakakatakot si lola, gaya ng nangyari kanina nakakatakot siya lalo na nong galit na galit na, parang may kung anong nangyari sa kanya masama." Wika na lamang niya sa asawa. "Iyon nga rin ang kinakatakot namin sa kanya kaya alam mo na may time talagang iba siyang magalit. Tsaka kapag ayaw nya talaga dapat masunod iyon. Kaya nga galit na galit siya kanina sa

