XENA POV "Here. Kumain ka ng marami para kasing strong mo ang daddy mo." Sabi ko kay Calvin at inilagay sa plato nya ang gulay na inorder namin. Matapos magpaalam sa akin ang magulang ko. Sumama na ako sa mag-ama para magbreakfast. Nang matapos kami ay bumalik din ako sa suite ko para magpalit at ayusin ang buong suite ko dahil after lunch na ang usapan naming mga kaibigan ko na pupunta sila sa suite ko para magkaroon kami ng konting kasiyahan. Pasasalamat ko na rin sa kanila dahil sa pagdalo nila sa birthday ko. Napagdisisyonan kong kumain sa resto ng maabutan kong muli ang dalawang lumabas ng suite nila. Nasabi sa akin ng bata na kakain sila kaya sumama ako sa kanila. Nandun pa din ang hiya sa tuwing magkakatitigan kami ni alvin. Hangga't maari gusto kong layuan sya para hindi lumala