Alvin POV Lumabas muna ako ng main hall at tinungo ang pool area. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa puso sa tuwing tititigan ko ang anak nila mr.kim na si Xena. Nakainom ako ng kaunti pero kaya ko naman ang sarili ko. Nakita ko ang babaeng nakaupo sa lounge sa gilid ng pool. Di ko alam sa sarili ko kung bakit ko pinuntahan ang babaeng 'yun. Nakatitig sya sa akin at animo'y ako lang ang taong nakikita nya sa mga oras na ito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Nakatayo ako sa harapan nya at seryosong pinakatitigan sya. Tumayo sya ng dahan-dahan habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Wala sa sariling hinapit ko sya palapit sa akin. Napatitig ako sa mapupula nyang mga labi. dumukwang ako para halikan sya. This is not right but it