XENA POV Sinara ko ang pinto ng suite ko at tinungo ang bed. Naupo ako sa gilid ng kama at inalis ang suot kong Louboutin high heel. Pumunta ako ng banyo at naghalf bath. Nang matapos ako. Lumabas na ako ng banyo at pinunasan ang basang buhok. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok kaya hininto ko muna ang ginagawa. Sino naman kaya yun? Anong oras na. Wala naman akong inaasahang bisita. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko ng makitang si alvin ang taong iyon. "Hi.." aniya. Napakurap-kurap ako at ngumiti kalaunan. "Hi, what are you doing here?" I asked. Inilahad nya sa akin ang pouch ko. "I'm here para isauli to sayo. Nahulog mo yan sa pool area kanina." Kinuha ko ang pouch ko at ningitian sya. "Thank you." He nod. "Sige alis na ako." Kumaway ako sa kanya at nang akmang