CHAPTER 2

1122 Words
XENA POV Napakurap-kurap ako ng mata ng magising dahil sa pag-alarm ng alarm clock ko.. Pinikit kong muli ang mata at kinapa-kapa ang bed side table para patayin ang alarm clock. Nang tuluyan ko ng napatay. Nanatili muna ako sa kama ng five minutes at bumangon na din. Nagpunta sa closet para kumuha ng isusuot. Black tshirt and jeans ang kinuha ko at pumasok na sa banyo. Ilang minuto din ang tinagal ko sa pag-aayos ng sarili. Humarap ako sa full body mirror ko dito sa kwarto. Nakabihis na rin ako. Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Nagising ako five years ago from coma. Naglagi ako sa hospital ng apat na buwan. Nag-aalala sakin ang magulang ko kung magigising pa ba ako. Thankfully nagawa kong magising ng maglilimang buwan na ako sa hospital. Sa kasamaang palad nakalimutan ko ang pamilya ko. Kung sino sila at pati na rin ang sarili ko. Naglagi pa kami sa hospital ng ilang linggo para masuri kung okay na ba ang lagay ko. Nagkaroon ako ng traumatic amnesia. Nabangga ako ng kotse five years ago. ang rason kung bakit? Hindi ko alam. Ang sabi sakin ni mom nakipaghiwalay sakin ang ex-boyfriend ko. Tumatakbo raw ako sa daan ng masagasaan ako ng kotse. Siguro maganda na rin ang pagkakaroon ko ng amnesia baka hanggang ngayun nasasaktan ako dahil sa ex-boyfriend ko. Ayoko namang alalahanin pa siya. Ang pinagtataka ko ang mga imahe sa panaginip ko. Yung babae at yung lalaking nangangalang Alvin. Gusto kong alamin kung sino sila pero napakaimposible naman iyon dahil imaimasyon ko lang sila. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Pumasok si Nanay Wilma at ngumiti sakin. "Anak kain na hinihintay ka na ng parents mo sa baba" Aniya. Marahan akong tumango "Sige po, susunod na rin po ako." Umalis na siya at narinig ko ang pagsara ng pinto. Nakahawak pa rin ako sa kwintas na suot ko. Wedding ring. Naalala ko na suot-suot ko ito nung nasa hospital bed ako at pinapakain ni mom. Napatingin ako sa kamay ko ng mga panahon na iyon. Nakasuot na sakin. Tinanong ko si mom kung bakit meron ako niyon. Ang sabi niya binigay sakin ang wedding ring ng ex-boyfriend ko bilang pangako na papakasalan niya ako at ang sing-sing na binigay niya sakin ang s'yang gagamitin pagnaikasal na kaming dalawa. Matagal ko ng tinanggal sa palasing-singan ko ang wedding ring. Ginawa kong kwintas. Di ko maintindihan sa sarili ko na sa tuwing sumasakit ang ulo ko napapahawak ako sa kwintas at nawawala na lang ang sakit. Pinilig ko ang ulo at hindi na nag-isip pa. Lumabas na ko sa kwarto at nagpunta sa dining room. "Good morning mom, dad" Humalik ako sa cheek nila at naupo katabi ni dad. "Good morning din anak." Sabay nilang sabi. "Kamusta ang tulog mo Xena?" Tanong ni dad. "As usual nagigising pa rin po ng madaling araw dahil sa panaginip ko." Nakatingin lang sakin ang parents ko. "Lagi mo atang iniisip 'yan anak kaya lagi mong napapanaginipan." Sabi ni Dad. "Siguro po dad. Wag na po kayong mag-alala." Napabuntong hininga si dad. Kumuha ako ng fried rice at egg at nagsimula ng kumain. "Anak, gusto sana naming magbakasyon ng mom mo kung okay lang sayo." Saad ni dad. Ngumiti ako at sumagot. "Oo naman dad. Why not para hindi puro trabaho kayo ni mom." Kumuha ako ng hotdog at sinubo ito habang nakatingin sa ama ko. "Ang problema kasi anak walang maghahandle sa resort natin kaya naisipan namin ng mom mo na kung pwede pansamanthalang ikaw na muna ang mag-asikaso sa resort natin." Napanganga ako. "Dad, alam mo namang hindi ako marunong sa ganyang trabaho. Wala akong alam kung pano magpatakbo ng resort." Sagot ko. "Anak, nandyan naman si Sally para turuan ka." Umiling ako. "Dad, ayoko si Ate na lang please lang." Agad kong tanggi. "Anak, maraming trabaho ang Ate Xyril mo. Gusto mo bang dagdagan ang trabaho niya? Hindi ka ba naaawa sa Ate mo?" Ani naman ni mom. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Sige dad payag na ako pero pano ang flower shop ko?" Ngumiti si daddy.. "Problema ba 'yan? Sa secretary mo muna ipamanage ang Flower Shop. Siguro mga three months ka lang doon sa resort." "Sige dad" Pagpayag ko. Tinuloy namin ang breakfast at nagkwentuhan tungkol sa flower shop ko at ang pansamanthalang paghandle sa resort. Pagkatapos naming kumain bumalik ako sa kuwarto at tinawagan si Ate Xyril. Her real name is Alyana Xyril Kim. Sumagot ang kabilang linya. Napangiti ako. namimiss ko na ang Ate ko. "Ate, kamusta ka na?" Excited kong sabi. "Eto busy sa trabaho ikaw kamusta ka na? Lagi pa rin bang sumasakit ulo mo?" Tanong ni ate Xyril. "Yes ate but don't worry kaya ko naman. Ate xyril please wag mong abusuhin ang sarili mo baka mapano ka n'yan kung lagi trabaho ang aatupain mo." Pangaral ko sa kanya. Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawa niya. "Baby girl. okay lang ang ate. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Ikaw nga ang inaalala ko" Napangiti ako. "Salamat ate okay lang naman ako tyaka nawawala rin naman ang pagsakit ng ulo ko. Oh baka busy ka d'yan ate nakakaistorbo ata ako." "No, Xena hindi busy ang ate pagdating sayo" I softly chuckled. "Si ate talaga ayaw mo lang maguilty ako. Alam ko namang tambak trabaho mo sige ate i'll hung up na" "Sige baby sis, I love you. Take care of yourself okay?" I nod kahit hindi niya nakikita. "Yes ate ikaw din" Pinindot ko ang end call at inilagay sa bed side table ang phone. Pasalampak na nahiga sa kama at tumihaya. Pinakatitigan ang kisame ng kuwarto ko. Pinikit ko ang mga mata. Naalala ko si mom. Siya ang unang nabungaran ko pagkamulat ng mata ko habang nakahiga sa hospital bed... Puno ang luha sa kanyang magandang mukha. Iyak siya ng iyak habang nakayakap naman sa kanya si dad. Nasa gilid noon si Ate Xyril at nangingilid ang luha habang nakatingin sakin. Naguguluhan ako ng mga panahong iyon dahil hindi ko sila kilala. Pagkaalis ng doktor. Niyakap ako ng mahigpit ni Ate Xyril at ni mom habang si dad naman hinalikan ang noo ko. Napamulat ako ng mata. Kinuha ang litrato namin sa bed side table ko. Marahan kong hinaplos ang litrato. May kung ano sa puso ang nasiyahan ng sabihin nilang pamilya ko sila. May parte sa buhay ko na tila may kulang. Siguro dahil iyon sa pagkawala ko ng Alaala. Mabuti at sunday ngayun. Walang work, sarado din ang Flower shop. Pahinga sa bahay. Lately kasi laging sumasakit ang ulo ko. Kung dati bihira lang pero ngayun kinakabahan na ako. Sabi naman ni mom magiging okay din ako basta wag lang kalimutan inumin ang gamot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD