CHAPTER 3

1819 Words
Alyana Xyril POV Napapikit ako ng mariin pagkatapos ibaba ni Xena ang tawag. Alam kong mali ang pagtago sa kanya ng katotohanan pero ito lang ang tamang paraan para ilayo siya sa mararamdaman niyang sakit kapag naalala na ng kapatid ko ang nangyari sa kaniya noon.. Flashback "Ate xyril I want ice cream" Napatingin ako kay Xena at huminto sa pagswing sa kanya. Nandito kami sa park kasama ang yaya namin. Napatingin ako sa naglalako ng ice cream. Kinuha ko ang wallet na nasa bulsa ko incase na may gusto akong bilhin. Nagpaalam si yaya na sandaling mag punta sa cr na malapit lang dito. "Sige bibili si ate ng ice cream pero stay ka lang muna dito ha? Wag kang aalis okay ba?" Tumango si Xena at ngumiti sakin. Tumakbo ako papunta sa mamang sorbetero. Bumili ako tag-isa kami ni xena at ng tumalikod na ako paalis ng mapansin kong wala na siya sa pinag-iwanan ko sa kanya. Nabitawan ko ang cone na may ice cream at nilibot ang buong park. "XENA, NASAN KA? PLEASE LANG WAG KA NG MAGTAGO" Ilang oras na ako pabalik balik pero wala siya. Hindi ko makita ang kapatid ko. Kanina pa ako umiiyak. Kasama si Yaya sa paghahanap pero kahit siya hindi niya makita si xena. Napagdisisyonan naming tawagan sila dad at mom para malaman nilang nawawala siya. Mga ilang minuto din ng humahangos na tumatakbo sa direksyon namin si mommy. Nagsimula na naman akong umiyak. "Nasaan si xena? Ang kapatid mo?" Puno ng pagaalala na pagkakasabi niya. "I don't know mommy. Iniwan ko siya sa bench pero nung bumalik ako wala na siya. Gusto niya po kasing kumain ng ice cream kaya binilihan ko siya" Pinahid ni Mom ang luha sa pisngi ko at niyakap ng mahigpit. Mag gagabi na rin pero wala anino ni Xena ang bumalik. Umuwi na kami, si dad busy tumawag sa mga taong makakatulong samin sa paghahanap sa kapatid ko. Hanggang umabot ng apat na linggo ang pag-hahanap. hindi pa rin nakikita ang kapatid ko. Nagiguilty ako kasi kasalanan ko kung bakit nawala si Xena. Pero sabi ni mom hindi ko kasalanan iyon dahil hindi naman namin alam na mawawala siya. Tuwing gabi umaalis si dad para sumama maghanap kay Xena. Nagigising ako ng madaling-araw ng madaanan ko ang kwarto nila mom. Nakahiga si Mommy sa kama habang yakap ang litrato ng kapatid ko. Kasalanan ko kung bakit siya nawala samin. Hindi ko masikmurang makita pang umiiyak si mom kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nagkulong. Isang araw, maraming mga pulis ang nagpunta sa bahay namin. Nasa gilid ako sa taas ng hagdan habang nakasilip sa baba. Narinig ko ang iyak ni mom. "No! hindi patay ang anak ko. Hindi, hindi totoo yang sinasabi niyo!" Sumisigaw si mom sa ibaba. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. "Pero Mrs. kim. Yun po ang napag-alaman namin. Ang anak niyo po ang nakitang bangkay sa morgue at wala iyong identity. Malakas ang kutob naming na ang bata ang nawawala n'yong anak lalo na't sa daan din siya nakita" Sabi ng pulis na s'yang nagsabi kay mom. Umalis na ako sa gilid ng hagdan at hindi na nakinig pa. Nilock ko ang pinto ng kwarto ko at sumubsob ang mukha sa unan sa kama. Hindi matigil tigil ang luha sa mata ko. Hindi ako naniniwalang patay na ang kapatid ko. Ilang araw pinagluksa ang bangkay ng kapatid ko na nakalagay sa kabaong. Wala ako sa sarili habang ganun rin si mommy. Naaawa ako sa kanya dahil ngayun ko lang siya nakitang wala sa sarili habang sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng kapatid ko. Nailibing na si Xena. Tuwing gabi nagigising ako dahil sa hagulgol ni mommy. Lagi kong tinatakpan ng unan ang tenga ko dahil na nanariwa pa sa alaala ko kung bakit wala na ang kapatid ko at dahil 'yun sakin. Isang buwan ng pagluluksa. Bumalik din sa dati ang lahat pero hindi ganun kasaya ang pamilya namin. Laging pinapaalala sakin ni mom na wala akong kasalanan. Inalagaan ako ni mom na parang wala akong nagawang masama. Nasa akin ang atensyon nila ni dad pero nagtayo ako ng sariling kong mundo. Wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko lang ang kapatid ko. Ayokong pagtuonan nila ng pansin dahil hindi lang naman ako ang anak nila. Lumayo ang loob ko sa kanila. Ilang taon ang lumipas ganun pa rin. Nakakausap ko naman sila at nakakasama pero hindi ko magawang maging masaya. Nagigising ako tuwing gabi na nasa tabi ko si mommy at hinahaplos ang mukha ko. Sinasabi niya na magiging maayos din ang lahat at sana bumalik na ako sa dating sigla. Ang dating ako. Nagfocus ako sa pag-aaral at nakapagtapos. Nakapagtrabaho sa company ni dad. Seven years old ako ng mawala si xena habang five years old naman siya. Napairap ako ng tumatawag si mom. kukulitin na naman niya ako umuwi para makasama sila. Pumayag na lang ako dahil ilang linggo na rin akong hindi umuuwi sa bahay. Nagda drive ako ng biglang may babaeng tumatakbo sa gitna ng daan. Huli na ng magpreno ako dahil nasagasaan ko na ang babae. buti na lang at nakaseat belt ako kung hindi baka tumama ang ulo ko sa manibela ng sasakyan. Lumabas agad ako at sinuri ang babae. Kumalat ang dugo sa simento. Agad ko s'yang sinakay sa kotse at dinala sa malapit na hospital. Inilagay siya sa stretcher at hiniga roon. Dinala ang babae sa emergency room. Naupo ako sa upuan na malapit sa emergency room. Napatingin ako sa bag na katabi ko na pag mamay-ari ng babae. Tinignan ko ang loob para macontact ang kamag- anak niya para malaman nila kung ano ang nangyare sa kanya ng may mapansin akong pamilyar na kwintas at ng inangat ko ito. Nangilid ang luha sa mata ko. Angel necklace, kwintas na binigay ko kay Xena nung nagfive years old na siya. kami ni dad ang bumili niyon. Napahagulgol ako at nagtakip ng mukha. Buhay ang kapatid ko! Tinawagan ko agad si mommy. "Hello mom? Sorry po at hindi agad ako nakauwi" Bungad ko ng masagot niya ang tawag. "Ayos lang anak nasaan ka ba? Nag-aalala kami ng daddy mo sayo baka napano ka na" Pinipigilan ko ang hikbing gustong kumawala. "Mom I found her" I said. "Who?..." may halong pagtatakang tanong niya. "Si Xena buhay siya mom. Please pumunta kayo dito sa hospital para sabay sabay nating malaman kung siya nga ang kapatid ko" Nagpaalam na si Mom at sinabing pupuntahan ang hospital na pinagdalhan ko sa babae. Ilang oras na paghihintay dumating ang parents ko. Tumayo ako at sinalubong ng yakap si mommy. "Sigurado ka bang si Xena iyon?" Sunod sunod akong tumango at tinaas ang hawak kong kwintas. Napatakip ng bibig si mom habang nakangiti naman si dad. "Yan ang kwintas na binili natin para sa kapatid mo" Sabi ni dad. Nakangiting tumango ako. "Makakasama na natin siya" masaya kong sabi. Tumayo kami mula sa pagkakaupo ng biglang lumabas mula sa emergency room ang doktor. "Maayos na ang lagay ng pasyente mabuti at nadala agad siya dito hospital. Ang kaso na comatose siya" Napaiyak si mom sa narinig. "Kailan po magigising ang anak ko?" "Di natin masasabi Misis nasa pasyente na iyon kung kailan siya magigising ang maganda gawin sa ngayun ang ipagdasal na magising siya agad dahil may chance din na manganib ang buhay niya habang nasa coma siya" Nasabi sa amin ng doktor about sa kundisyon ng kapatid ko. Malakas ang kutob ko na ang babae ay si Xena. "Sige ho mauna na ako. marami pa akong pasyenteng aasikasuhin" Tumango kami. Nagpaalam ako kay mom para umuwi sa bahay. Isang linggo na kaming nasa hospital pagkatapos sabihin samin ng doktor ang nangyare sa kapatid ko. Inilipat din siya sa private room. Doon inalagaan namin si Xena. She looks like mom noong dalaga pa. Tuwang-tuwa si dad dahil ang bunso niya ay buhay pa at makakasama na namin. Walang araw na hindi nila binibisita si Xena. Nagpa dna test na rin kami para masiguradong siya nga si Xena at positive. Makakatulog na ako ng mahimbing at hindi na alalahanin pa ang nakaraan. Tapos na rin ang paghihirap ko. Kinaumagahan nagising ako ng maaga para pumasok sa trabaho. Narinig ko ang pagkatok sa pinto dito sa office ko. pumasok ang secretary ko. "Ma'am Xyril nandyan na po si Mr.madrigal" Mr.joseph madrigal ang private investigator. Tinawagan ko siya ng araw na dinala ko sa hospital si Xena. Ang babaeng nasagasaan ko. Gusto kong alamin niya ang buong pagkatao ng babae at ipaalam sa kamag-anak niya ang tungkol sa nangyareng aksidente. May nakuha na agad s'yang impormasyon? Tatawagan ko sana siya na huwag ng ituloy ang paghahanap sa kinilalang pamilya ng kapatid ko. Tutal buo na rin kami. Hinihintay lang namin magising si Xena at Sisimulan na rin niyang mamuhay na dapat lang mangyari dahil kung hindi siya nawala sa buhay namin ng ilang taon ay sana masayang namumuhay kami ng magkakasama. Pumasok na si Mr. Madrigal at naupo sa harap ko. May pinakita siyang files at mga litrato sa akin. Marami siyang sinabi sa akin na mas lalong nagpadagdag sa kunsensya ko. Hindi sana mangyayari ito kung hindi ko iniwan mag-isa ang kapatid. Sana lang ay mapatawad ako ni Xena sa nangyari sa kaniya. Pagdating ng hapon ay nagpunta ako sa hospital. Pinauwi ko muna si Mommy para ako naman ang magbabantay sa kapatid ko. Naupo ako sa tabi ni Xena at pinagmasdan siya. Nagsimula na rin mag-ulap ang mga mata ko. Hindi ko akalain na sa ganitong tagpo pa kami magkikita ng kapatid ko. Kasalanan ko ang lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Xena at mapait na napangiti. “Masaya ako na nakabalik ka na sa Pamilya natin Xena. Marami akong gustong sabihin at ikwento sayo.” Panimula ko. “Kamusta ang buhay mo? Naging masaya ka ba? Marami ka bang hirap na naranasan kung hindi ka nawala sa pamilya natin.” Pinisil ko ang kamay niya. “Patawarin mo si Ate Xena. Hindi ko ginusto na mawala ka sa amin. Sana gumising ka na dahil habang ganito ka. Hindi kami makakasiguro na mabubuhay ka oh tuluyan mo na kaming iiwan. Babawi pa kami sayo. Marami kaming pagkukulang sayo na dapat lang na gawin namin sa dami ng pinagdaanan mo na sana kasama mo kami.” Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. “Pinilit ko magpakatatag Xena. Pinilit ko ang sarili na magmove-on pero hindi ko ginawa kasi ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko na ayokong mawala sa buhay ko. Gumising ka na please. Lahat gagawin ni Ate para sa'yo. Kaya Xena, Bilisan mong gumaling ha. Nandito lang si Ate. Kahit anong mangyari. Nandito lang ako. Hindi ka na iiwan pa ni Ate. okay ba Xena? Gumising ka na please.” Pakiusap ko. Umiiyak ako sa tabi niya. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa labis na pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD