CHAPTER 4

1803 Words
Alyana Xyril POV Flashback Napamulat ako ng mata ng biglang ginising ako ni mommy. Ngumiti siya sakin at bumangon naman ako. "Bakit po?" Humihikab na tanong ko. "Umuwi ka na muna anak ako na ang magbabantay sa kapatid mo" Gusto ko pang bantayan ang kapatid ko. "May trabaho ka pa bukas kaya wag ng matigas ang ulo" dagdag pa ni Mom. Mahina akong natawa "Mom, gusto kong bantayan si Xena. Bukas ng umaga na lang ako uuwi para mag-ayos sa pagpasok sa trabaho" Umiling siya. "Hindi anak mas makakabuti kung sa bahay ka na lang magpahinga para maganda ang tulog mo. Hindi dito na maya't maya nagigising ka" Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Sige mommy, babalik ako bukas pagkagaling ko sa trabaho. Ikaw naman ang magpapahinga" Humalik ako sa kanya sa pisngi at lumapit sa kapatid kong si Xena. Hinawakan ko ang kamay ni Xena at hinalikan siya sa noo "Gumising ka na Xena. Gusto na namin marinig muli ang boses mo." Akmang tatanggalin ko na ang kamay ko ng maramdaman kong gumalaw ang daliri ni Xena. Gulat na napatingin ako sa kanya. "Mommy si xena!" Tawag pansin ko kay mommy na inaayos ang mga gamit sa table. "Ano yun anak?" Lumapit siya samin at nagtataka ang tingin na pinukol niya sakin. "Si Xena, Yung kamay niya gumalaw." Tinignan ni Mom ang magka-hawak kamay namin ni xena. "Anak, nagmamalikmata ka lang siguro. Hindi naman gumalaw oh. Pagod lang 'yan. Sige na umuwi ka na para makapagpahinga" Aniya. Sunod-sunod akong umiling. "Mom, gumalaw talaga ang kamay niya-" hindi natapos ang sasabihin ng gumalaw muli ang daliri ng kamay ni Xena. This time nakita na ni Mommy. Gulat na napatingin siya sakin habang may Malawak na ngiti. "Xena, anak naririnig mo ba si mommy? Please anak imulat mo ang mata mo." Pakiusap ni mommy kay Xena. Hindi pa rin maimulat ni Xena ang mata niya. Naiiyak ako, gusto ko ng makasama si Xena. Maglilimang buwan na siya dito sa hospital at ngayun lang siya nagpaparamdam samin. Gumalaw muli ang daliri niya sa palad ko. Unti-unti s'yang nagmulat ng mata. Umalis muna ako sa harap niya para tumawag ng doktor. "Mommy, iwan muna kita dito tatawagin ko lang ang doktor." Tumango si Mommy habang walang maisagot sakin. Tanging paghawak ng mahigpit sa kamay ni Xena ang atensyon niya. Tinawag ko ang nurse na hindi kalayuan sa room at pinaalam sa kanya na kung pwede tawagin niya agad ang doktor ni Xena. Bumalik din ako sa room at ganun na lang ang pagkabigla ko ng makitang nakaupo sa higaan si Xena habang umiiyak sa harap niya si mommy. Napaluha na rin ako. Napalingon ako sa bagong dating na si dad kasama na ang doktor. Lumapit kami sa kanilang dalawa at umurong si Mom para masuri ng doktor si Xena. Nasa gilid ako ng bed at iilang tanong ang ginawa ng doktor kay Xena. Nakatulala lang siya habang tango at iling ang sagot ni Xena sa mga tanong ng doktor. Nang mag-angat siya ng tingin. Isa-isa niya kaming tinignan ng magsalita siya. "Sino kayo? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ba ako?" Sunod-sunod na tanong ni Xena. "Wala ka bang maalala Miss kim?" Umiling si Xena. "Hindi mo maalala na naaksidente ka kaya ka nandito?" Napakunot-noo siya. "Naaksidente ako?" Tanong niya. "Yes, Miss kim five months kang coma and now base sa mga sinasabi mo meron kang traumatic amnesia" saad ng doktor. "Traumatic amnesia?" Sabay naming sabi ni Xena. "Yes, Traumatic amnesia is a memory loss caused by a hard blow to the head; for instance, a car accident. People with traumatic amnesia may experience a brief loss of consciousness, or even go into a coma. In the majority of cases, the amnesia is temporary - how long it lasts usually depends on how severe the injury is" Naguguluhan pa rin si xena kaya pinagpatuloy ng doktor ang pagpapaliwang sa lagay niya. "Any disease or injury that affects the brain can interfere with the intricacies of memory. Memory function engages many different parts of the brain simultaneously.Damage to brain structures that form the limbic system, such as the hippocampus and thalamus, can lead to amnesia - the limbic system controls our emotions and memories" "Kailan makakabalik ang alaala ng anak ko doc?" Tanong ni mom. "Depende na iyon kay Miss Xena. Walang gamot ang makakatulong sa kanya para bumalik ang alaala niya. Nasa kanya na iyon kung maibabalik niya" Nagpaliwanag pa ang doktor at mga ilang sandali pa ay nagpaalam na itong umalis. "Sino kayo?" Tanong ni Xena. Inihakbang ko ang paa para sana lumapit sa kanya pero pinahinto niya ako "Wag kang lalapit!" Bakas sa tono niya ang matinding takot. Napabuntong hininga ako. "Hindi kita sasaktan, Ako ang Ate Xyril mo." Tinuro ko ang mga magulang namin "Sila ang magulang natin." Napako ang tingin ni Xena kila mom habang nabaling din sa akin ang atensyon niya. Napangiti siya kaya tuluyan na akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha. "Sa wakas nagising ka rin. Bumalik ka sa pamilya natin" Naramdaman ko ang pagyakap samin nila mom mula sa likuran. Masaya na muli ang pamilya namin dahil nagbalik na ang kapatid ko. "Anak.." Napalingon ako kay mom ng tawagin ako. "Anong gagawin natin?" Kanina ko pa ito naisip at alam kong mapapayag ko sila. "Hindi pwedeng malaman ni Xena ang totoo mom. Gusto ko s'yang ilayo sa buhay niya dati." Naikwento ko sa kanila ang buhay ni Xena ng mga panahong wala siya samin. "Ano bang gusto mong gawin namin? Kung ano ang makakabuti para sa kapatid mo gagawin natin." Napangiti ako. "Itutuloy natin ang buhay ni Xena. Kung magtanong siya tungkol sa buhay niya mula pagkabata hanggang sa naaksidente siya. Gagawa na lang tayo ng alibi para iyon ang maisip niya." Ipapatuloy namin ang buhay sana ni Xena kung hindi lang siya nawala. Kailangan mawala ang dating siya at mabubuhay naman si Xena. "Palalabasin natin na hindi namatay si Xena. Sasabihin natin sa mga taong nakapaligid satin na buhay siya at itinago dahil nanganganib ang buhay niya. kailangan walang makitang kahit na anong makakaugnay sa kanya." Tumango si dad. "Ako ang bahala sa lahat anak para sa kapatid mo." Katulad ng nais ko. Pinalabas naming patay na ang dating Gamit na pangalan ng kapatid ko. May nakilala kaming pamilya na walang pera para ipalibing ang kamag-anak nila na sa tyansa ko eh kasing edad at laki ni Xena. Binayaran ko sila kapalit na hindi pagpunta sa burol ng namatay. Pumayag naman sila at nangakong bibisitahin na lang pagkatapos ng libing. Pinaalam namin sa mga kakilala ng kapatid ko ang sinapit niya. Walang kumuha sa bangkay kaya inilibing din agad namin. Inilagay na lang sa lapida ang pangalan niya. Kawawa ang kapatid ko kung nagkataong namatay siya dahil sa ginawa ko at kung hindi ko siya nakilala baka siya ang nailibing na walang ni isang kakilala man lang ang nagpunta sa burol niya. May awa ang diyos sa pamilya namin dahil naibalik niya si Xena at pasalamat na rin ako dahil wala s'yang maalala. Mula sa nakaraan niya. Madali na para samin ang magsinungaling sa kanya. Alam kong darating ang araw na babalik ang alaala niya. handa akong harapin ang lahat ng consequence sa pagsisinungaling sa kanya. "Ate..." Tawag pansin sakin ni Xena tinapos ko muna ang pagbalat sa mansanas na hawak ko bago ito inislice. Nag kuha ako ng plato sa table at doon inilagay ang mansanas. "Yes?.." iniabot ko ang platong may mansanas kay Xena na nakalumbaba ng upo sa higaan niya habang nakanguso. Mahina akong natawa. "Ayoko na dito uwi na tayo. Nakakabored at ayoko na ng amoy ng hospital." Pagmamaktol ni Xena. Mahina akong natawa. "Bukas na tayo uuwi Xena kaya onting hintay pa." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Fine, basta yung promise mo ate ha" nakangiting sabi niya. Pinangakuan ko s'yang pupunta kami ng mall at balak ko rin sanang magkaroon kami ng family picture pagkatapos ng ilang taong nawalay siya samin. Patunay na rin sa mga nakakakilala sa dating katauhan ng kapatid ko na buhay siya bilang Xena at kahit kailan ay hindi namatay. Tumabi ako sa kanya sa bed niya at inihilig naman niya sa hita ko ang ulo niya at ginawang unan. Napatingin ako sa palasing-singan ni Xena. Kinuha ko ang kamay niya at ng akmang tatanggalin ko ang wedding ring ng inilayo niya sakin ang kamay niya. "Bakit ate?" Takang tanong ni Xena. "Tanggalin mo na yang sing-sing." Umiling si Xena bilang hindi pagsang-ayon sa gusto ko. "Ayoko ate sabi ni mommy bigay sakin to ng ex-boyfriend ko. Ito na lang ang tanging alaala ko sa kanya." Sagot niya. Kung alam mo lang xena. "Hindi ko na lang susuotin to gagawin ko na lang kwintas. Wag ka ng magalit ate" aniya. "Ayokong makita pang suot-suot mo 'yan maliwanag? at isa pa hindi ako galit okay? Ayoko lang namang may alaala ka pa sa ex mo dahil d'yan sa ring na 'yan. Kung makaalala ka lang alam kong isusumpa mo ang lalaking 'yun" Tumango si Xena at hindi na umimik pa. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa office ng doktor ni Xena. Binabantayan ni mom ang kapatid ko habang nagpaalam ako sa kanila na kakausapin ko muna ang doktor ni Xena bago umalis pauwi ng bahay. Naupo ako sa upuan na malapit sa doktor ni xena. "May kailangan ka ba miss xyril?" Kunot noong tanong ng doctor. Sinabi ko ang pakay ko. End of flashback Napamulat ako ng mata ng magring ang phone ko. Nakita ko sa screen na si mom ang tumatawag agad ko itong sinagot. "Yes mom? May problema po ba?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mom. "Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo? Five years na Xyril hindi na nakakabuti sa kanya ang pag-inom ng gamot. Mas mabuting harapin niya ang nakaraan niya kaysa lokohin at nakikita nating nasasaktan siya sa tuwing gusto na ng alaala n'yang bumalik. Please anak itigil na natin to" "Mom, alam mong hindi pwede. siguradong babalikan niya ang ex niya. Ayokong masaktan si Xena sa malalaman niya dahil ang Ex niya ay may sarili ng pamilya." "Anak-..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Please mom all of this ay para kay Xena. I promise to myself that I will a good sister to her kahit na sa tingin niya na masama ako dahil sa pagtatago ng totoo sa kanya. Wala akong pakialam basta hindi niya na babalikan pa ang dating buhay niya. kahit ang kapalit nun ang pagsisinungaling sa kanya ng ilang taon." Pinatay ko na ang tawag at sinandal ang katawan sa swivel chair ko. Hindi na babalik ang dating katauhan ng kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para hindi bumalik ang sakit at hirap ng kapatid ko. Mahal na mahal ko si Xena. Lahat gagawin ko para maging masaya siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD