XENA POV
"Dad, nakausap ko na pala kahapon yung event organizer na mag-aasikaso ng birthday party para kay Xena."
Napalingon ako kay Ate Xyril ng marinig ang pangalan ko. Birthday ko na next week kaya todo kung mag-asikaso sila.
Ang sabi ko naman kahit simple lang okay na ako pero hindi pumayag ang magulang ko lalo na si Ate. Wala na akong magawa kundi ang pumayag na lang. Nagbigay na ng mga invitation para sa party.
Ibinalik ko ang tingin sa plato ko. Breakfast namin at ngayun lang kami muli magkakasama bilang Buong Pamilya.
Sobrang busy ng magulang ko at lalo na ang Ate Xyril sa trabaho hanggang saway na lang ako sa kanya pagtuwing subsob talaga siya sa trabaho niya. Lalo na ngayun na nakuha ni Ate ang partnership sa DSC (Delos Santos Company).
Sa pagkakaalala ko palugi na ang kumpanya na 'yun pero eto namang si Ate tinulungan pa sila. Alam ko ang ugali ng Ate ko. Hindi siya mag-aaksaya ng oras at pera para lang makipagpartnership sa mga kumpanyang palugi na o magsasara.
Sa resort ng pamilya namin gaganapin ang Birthday party ko. Pagkatapos ng party tyaka naman aalis ang magulang ko papuntang korea habang ako mananatili ng tatlong buwan sa resort.
"I'm so excite. Ikaw ba Xena excited ka?"
Nakangiting tanong ni Ate Xyril.. Ngumiti ako sa kanila at tumango "Yes ate excited na rin ako." Yan na lang ang nasabi ko pero sa isip-isip ko. Hindi ako excited. Ewan ko ba kung bakit ganun. Feeling ko may hindi magandang mangyayare sa resort.
Nang matapos ang breakfast namin tyaka naman umalis ang magulang ko para sa work nila at ganun din si Ate Xyril. Ako na lang ang naiwan sa bahay. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.. Ipinikit ko ang mata at napamulat ng mata ng biglang tumunog ang phone ko. Napakunot noo ako ng makita sa screen ang pangalan ng bestfriend ko na si Celine. Sinagot ko ang call at itinapat sa tenga ang cellphone.
"Hello celine? Napatawag ka." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Bes, pwede ba tayong magkita?"
Mukhang may problema ang babaeng to. Tumango ako kahit hind niya nakikita
"Sige saan ba?."
Narinig ko ang message alert ng cp ko at binasa ang message ni Celine. Gusto n'yang makipagkita sakin sa cafe na lagi naming pinupuntahan. Nagsuot ako ng simpleng dress at flat shoes ng makuntento na ako sa itsura ko. Umalis na ako sa kuwarto at nag-simula ng maglakad palabas ng bahay ng marating ko ang garahe dito sa house ng makita kong naglalakad papasok ng bahay ang isa sa mga kasambahay namin.
"Aira!.." tawag pansin ko sa kanya. Agad naman s'yang lumingon sa akin at ngumiti ako sa kanya.
"Pag-hinanap ako nila Mommy. Pakisabi na lumabas ako kasama si Celine" Paliwanag ko. Tumango naman siya.
"Sige ho Ma'am." Aniya at umalis na para pumasok sa bahay. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ang makina.
Binuksan ni Kuya Dexter ang gate at nagpasalamat sa kanya bago ko ulit pinaandar ang kotse.. ilang minuto lang ang nilaan ko sa pagmamaneho at nakarating din sa cafe na napag-usapan namin ni Celine.
Ipinarada ko ang sasakyan sa parking lot ng cafe at lumabas na sa kotse.. napatingin ako sa kabuohan ng cafe.
Ang pangalan ng cafe na to ay SamNiel's Cafe na pagmamay-ari ni Samantha na naging kaclose ko at ang asawa nitong si Zack Alfonzo. Dala na rin na magkaibigan ang mga magulang namin.
Pagkabukas ko palang ng door ay sumalubong na sa akin si Chris at sinamahan ako kung saan nakaupo si Celine ng makita ako nito ay agad s'yang tumayo at nakipagbeso sakin.
Naupo ako sa katabing upuan ni Celine na nakapaharap sa kanya. Ngumiti ako at ganun din siya pero hindi umabot sa kanyang mga mata tila malungkot. Alam kong malaki ang problema nito.
Nagtawag kami ng waiter at agad naman nitong kinuha ang order namin at ng masiguro n'yang okay na umalis na ito.
Nakayuko lang si celine "I'm sorry Xena dahil hindi ako makakarating sa birthday mo" Panimula niya.
"Bakit naman?.." Tanong ko.
"Si Dad kasi gusto n'yang pakasalanan ko ang anak ng business partner niya. Hindi ako makatutol sa gusto ni Dad dahil hawak niya ako sa leeg" nakatitig si Celine sakin at nag-simula ng maglandas ang luha sa mata niya.
"Next week ang alis ko papuntang US para sa kasal ko." Aniya. Nalungkot naman ako sa ibinalita niya sa akin.
"Celine... kilala mo ba ang ipapakasal sayo?" Tanong ko. Nag-uuyam na tawa ang pinakawalan niya "Yes, si Marcus ang lalaking kahit kailan ay di ko nanaising maging asawa."
Marcus ang ex boyfriend /bestfriend ni Celine.. Hindi nasabi sakin ni Celine ang tungkol sa Marcus na iyon kahit ang relasyon noon ng dalawa.. saming dalawa si Celine ang malihim at seryoso sa lahat ng bagay. Hindi siya palakwento kaya onti lang ang alam ko tungkol sa kanya.
"Pano na 'yan edi papakasalan mo ang lalaking nanakit sayo?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
"Wala akong choice Xena. Ito lang ang paraan para matigil na sila.. Gagawin ko ang gusto nila pero pagnatapos na ang kasunduan ng pamilya namin sa pamilya ni Marcus. Makakawala rin ako sa marriage na iyon.. Isang taon lang magpapakalayo-layo ako ng hindi na nila ako magamit pa." Hinawakan ko ang kamay ni Celine. Kahit sa pamamagitan man lang nito ay mabawasan ko ang lungkot ni Celine. Maiparamdam ko sa kanya na lagi lang ako rito para sa kanya.
"Basta lagi mong tatandaan Celine. Nandito lang ako para sayo makakaya mo din 'yan. Pag may problema ka kausapin mo lang ako handa akong makinig." Alam kong napakaimposible dahil kahit ang laki na ng daladalang sama ng loob ni Celine. Nagagawa niya pa rin itong kimkimin sa lahat.
"Salamat Xena" Ngumiti si Celine sakin hindi na katulad kanina na pilit.
"Wala iyon Celine para saan pa at naging bestfriend mo ko kung hindi mo ilalabas ang nararamdaman mo at mabigyan man lang kita ng payo" Nagtawanan kami. Dumating ang order namin at masaya kaming kumain.
Nag-usap kami tungkol sa magaganap na Arrange Marriage niya at ang birthday party ko. Naiintindihan ko naman kung hindi siya makakarating.
Napatingin si celine sa wrist watch niya at malungkot na tumitig sakin. "Sorry Xena, I need to go." Tumango ako sa kanya at ngumiti. “it's okay sige na ako na bahala dito"
Nakipagbeso siya sakin at umalis na. Ininum ko ang orange juice na nasa baso ko ng makaramdam ako ng pagkauhaw. Napatingin ako sa paanan ko ng may bolang gumulong. Kinuha ko ang bola at nilibot ng tingin ang buong cafe. May isang batang lalaki ang nakatingin sakin at waring hindi mapakali. Sa kanya siguro itong bola.
Ngumiti ako sa kanya "Halika kunin mo tong bola mo." Nanatili s'yang nakatayo at nagdadalawang isip na pumunta sakin at kunin ang bola pero ‘di kalaunan ay lumapit din siya at ibinigay ko naman ang bola.
"Anong pangalan mo little boy?" Ngumiti sa akin ang bata.. Ang cute niya sana ganito din kacute ang magiging anak ko. Napisil ko ang pisngi niya. "Ako po si Calvin Delos Santos" sagot ng bata.
"Bagay sayo ang pangalan mo.. Ako naman si Xena Kim. Nice to meet you Calvin." Ngumiti sa akin ng malawak ang bata at kiniss ako sa pisngi na s'yang nagpagulat sakin.
"Nice to meet you din po Ate Xena. Thank you po." Magiliw na sabi ng bata. Natutuwa ako sa batang ito.
"Wala iyon" Napalingon ang bata sa likuran ko at malungkot na tumingin akin. "Ba-bye po Ate Xena. Aalis na po kami." Bago pa ako makapagsalita ay nagtatatakbo na ito palayo sakin. Narinig ko na lang ang pagbukas ng door. Nakaalis na siguro siya.
“Xena..” Napalingon ako sa boses na tumawag sa pangalan ko.
“Zack.” I said and smile.
Naupo siya sa harap ko. Nang may maalala ko.
Kinuha ko ang invitation sa bag at binigay kay Zack.
“Sana makapunta ka. Kung pwede isama mo si Sam.” Bahagyang natawa si Zack.
“I'll Try Xena. Alam mo naman si Sam kung minsan pa bago-bago ang isip. Don't worry pupunta kami.” Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
“Thank you. Kapag hindi kayo pumunta ni Sam. Magtatampo talaga ako ng bongga sa inyong mag-asawa.” Natawa naman si Zack.
“Kamusta naman kayo ngayun ni Sam?" Natahimik sandali si Zack at sinagot din ang tanong ko.
“For now, nasa stage kami na back to Zero. Ang hirap kasing magsimula lalo na't hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Sam. Bumabawi palang kami sa ilang taon na magkahiwalay kami lalo na sa part ko na hindi ko nakasama ang anak ko.” Paliwanag ni Zack.
Hindi ko maiwasan ang malungkot.
“Tama ka Zack kaya ngayun na binigyan ka ng Chance ni Sam. Sana huwag mo ng sayangin lalo na ngayun na may anak na kayo. Bumawi ka sa mag-ina mo. Kaya dapat lang na pumunta kayo sa Resort namin para makapagbonding kayong magpamilya." Singit ko. Mamaya niyan ay baka hindi sila makapunta. Isa pa naman sila sa sobrang close sa akin.
“Oo na. Huwag ka mag-alala Xena. Hindi kami mawawala sa party mo."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Zack.
“Well, That's great. Pano ba yan. I have to go." Tumayo na ako.
“Siguraduhin lang Zack ha. Kapag hindi ko kayo nakita ni Sam. Mawawalan na kayo ng ubod ng ganda na customer.” Sabi ko na siyang kinatawa ni Zack.
Lumabas na ako sa Cafe. Tumingala ako para pagmasdan ang mga ulap. Huminga ako ng malalim at Ngumiti.
Bisitahin ko kaya sa DSC si Ate Xyril. Sakto at may take out akong Coffee at Cake.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinuntahan na ang Company kung saan may meeting si Ate Xyril.
Pagpasok ko sa loob ng Company ay lahat ng taong nadadaanan ko ay pinagmamasdan ako.
Nagtataka ako sa mga itsura nila. Para silang nakakita ng multo. Pinilig ko ang Ulo. Baka nagagandahan sila sa akin kaya hindi nila maialis ang tingin sakin.
Sumakay na ako sa Elevator. Bago pa magsara ay may nakita akong lalaking gustong humabol sumakay sa elevator.
Hindi na siya umabot pa. Nasa fourth floor ang Office ni Ate Xyril. Saktong pagdating sa Fourth floor ay pumasok na ako sa loob ng Office.
Hindi na ako nag-abala pang kumatok.
“Ate, I have something for you.” Tila nagulat si Ate Xyril na makita ako.
“Xena, what are you doing here?" She asked.
Itinaas ko ang dalang paper bag.
“Galing ako sa SamNiel's Cafe. Naisip ko na dumaan saglit dito sa Office mo. Bakit ate? Is there something wrong? Gusto mo bang umuwi na ako." Sabi ko.
Para kasing ayaw niyang nandito ako sa Company.
Agad naman umiling si Ate Xyril.
“I'm sorry Xena. Hindi sa ayokong nandito ka. Sana tinawagan mo ako para sa Resto or malapit na Cafe tayo kumain." Aniya.
Lumapit ako kay Ate at ibinaba ang Dalang paper bag.
“Ate, No need na para lumabas tayo dito sa company. Tyaka sobrang abala na kung aalis pa tayo dito kung pwede naman na dito na lang tayo." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Ate.
“Fine, Ano ba yang dala mong foods?" Pag-iiba ni Ate sa usapan.
Ngumiti ako sa kaniya at pinakita ang mga dala ko.