Chapter 41

3095 Words

Point of view - Cheska Lopez - Ramdam ko ang masakit na pagkakatali ng lubid na nasa aking palapulsuhan. Pakiramdam ko ay may sugat na ang aking balat dahil sa mahigpit na kapit nito. Ngunit wala na akong pakialam sa nararamdaman ko, dahil ang mahalaga sa akin ay ang maitakas ko si Cyrus sa lugar kung saan kami nakagapos ngayon. Nakatali ang aking mga kamay sa isang poste, tila isang abandonadong gusali ang lugar kung saan kami naroroon. Noong nakaraang araw ay nasa Batangas pa kami, ngunit nang matunugan ni Lance na parating ang mga alagad ng batas sa lugar na iyon, agad siyang nagdesisyong umalis. Ngayon ay nandito na kami sa isang liblib na lugar sa Novaliches Quezon City. Pumasok kami sa isang abandonadong gusali na tila halos ilang taon na ring pinabayaan. "Mommy, I'm thirsty,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD