Nagmadali nakong bumaba ng hagdan at halatang nagulat si Aly tsaka si kuya sakin. Hindi ko sila pinansin, hinalughog ko ang buong cabinet para makita ang susi ng sasakyan ni kuya. "Elly? Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni kuya sakin. Imbis na pansinin siya nagpatuloy lang ako sa paghahanap. "Eto ba ang hinahanap mo?" Napatigil ako sa paghahalughog at napalingon kay kuya na nakataas ang kamay na may hawak na susi. Aagawin ko sana sa kanya ng ilayo niya ito sa akin. "Saan ka pupunta?" kunot noo niyang tanong sakin. Napayuko naman ako at hindi ko alam kung anong sasabihin. "Elly?" tawag niyang muli sakin. Nagangat ako ng tingin sa kanya "K-Kuya..." naiiyak na sambit ko sa pangalan niya. Nilapitan naman niya ako at niyakap. "Makikita ko na ang anak ko kuya.." lumuluha na samb

