Isang linggo na magmula sa isang malagim na pangyayari kaya ngayon na ililibing si Baby Diamond. Binigyan namin sya ng sapat na burol dahil alam kong yun ang kagustuhan ni Elly. Kami kami lang din naman ang nasa burol hindi kami tumatanggap ng bisita dahil gusto namin pribado ang lahat. Maliban lang sa mga Fuller sila lang ang matiyagang nakiramay samin dahil kahit papaano naman kilala namin sila dahil isa rin ang mag-asawang fuller ang tumulong kay elly nung nawalan ng malay si elly sa daan.. At ngayon na ang tamang oras para ilibing si baby diamond. Hindi ko maiwasang mapaluha ng maalala ko kung gaano nagsakripisyo si elly para sa mga anak niya. At hindi ko rin maiwasang magalit dahil sa pamilya niya! Kundi dahil sa kanila hindi sana nagkanda letche letche ang buhay niya! Edi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


