Ezrah Pumasok ako sa loob ng Silid Pagamutan kasama ang mga kaibigan ko't mga anak ng mga Konseho. Kasama na rin doon si Ali at Mekhi, si Lymuel at Lucy. Tumungo ako sa nakahigang katawan ni Harri. Payapa siyang natutulog ngunit may karayom na nakatarak sa bandang dib-dib niya. Once the needle will be removed, she'll be back being a crazy temptress. "Magistre Uno gave me the ingredients to make a potion. A potion to get all of them back to normal," paninimula ko. Kinuha ko ang isang nakarolyong polyeto sa bulsa ko't inabot ito kay Cali. "Marami tayo kaya pwedeng grupo-grupo tayo upang mas mapadali natin ang paghahanap. Binigyan na rin tayo ng permiso upang makalabas ng Academia kaya wala tayong ma