Lucy Naramdaman ko na lang ang malakas na pagtibok ng puso ko. Naghaharumentado ito't tila ba labis na kinabahan sa naging tanong niya. Lalong-lalo na't nakatitig lang kami sa isa't-isa't parang nilulunod niya ako gamit ang kaniyang mga mata. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Sa sandaling ito ay nais kong may dumating at sumambat sa pagitan naming dalawa upang mabaling ang atensyon ko sa iba't mawala ang kabang nararamdaman ko sa kaniya. "Lucy..." Napahinga ako nang maluwag matapos kong marinig ang boses ni Tito Laxus. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang iiwas ang tingin ko kay Azriel upang harapin siyang naglalakad papalapit sa akin kasama si Tita Mira at Lymuel. "Care to explain anythin