Ezrah "Take it easy, Ezrah." Kinumpas-kumpas ko ang mga kamay ko, at bawat galaw ko'y may nagsisilabasang matutulis na kristal na singliit at singhugis ng karayom. Bumwelo ako't tumalon. Sa pagtalon ko'y umikot-ikot ako sa ere, at kasabay no'n ay ang pagtalsikan ng mga matutulis na karayom sa katawan ko na siya namang pilit iniiwasan ni Yinox sa baba. Napangisi ako nang makitang hindi siya magkandaumayaw sa pag-iwas sa mga ito. Sa paglapag ko sa lupa'y nakatalikod ako sa kaniya. Lumiyad ako hanggang sa maabot ng kaliwang kamay ko ang lupa. Tinutok ko ang kanang kamay ko sa binti niya't pinitik ang daliri ko, kasabay no'n ay ang paglabas ng isang kristal na karayom sa kamay ko. Tumama 'yon sa bint