Ikatlong Persona Nagmulat ng mata si Lucy. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama't kaagad napatingin sa gawi ni Erycha. Nakabangon na rin ito't dahan-dahang tumayo mula sa kama. Nagkatinginan silang dalawa bago tumango sa isa't-isa. Ngayong gabi sila pupuslit palabas ng Academia upang masilip ang kalagayan ng kanilang pamilya. "Suotin mo 'to." bulong ni Erycha. Inabot niya kay Lucy ang kulay itim na cloak. Sinuot niya naman ito kaagad sabay talukbong ng hood nito sa ulo niya. Magkahawak kamay silang nagtungo sa pinto ng kanilang kwarto, ngunit bago sila makalabas ay narinig nila ang pag-ingos ni Ali kaya natigilan kaagad silang dalawa. Dahan-dahan silang napalingon, at napahinga sila nang maluwag nang mak