Ikatlong Persona "Lucien, kanina ka pa mukhang wala sa sarili. Ayos ka lang ba?" Tinabihan nito ang binata na sapo-sapo ang mukha habang nakayuko sa kahabaan ng lamesa. "Can you show me that scroll again?" tanong nito. Saglit na natigilan ang lalaki, kapagkuwan ay tumango rin ito't umalis upang magtungo sa lugar na pinagtataguan niya ng polyeto. Ang lalaking 'yon ay ang kapatid ng Punong Mahestrado. Siya ang Ministro, ang tagapagpayo ng Punong Mahestrado. Kilala siya bilang si Ministro Ligardo. Siya ang nag-iisang kapatid ng Punong Mahestrado na namamalakad sa buong Academia. Matapos niyang makarating sa lugar na pinagtataguan niya ng polyeto, kaagad niyang kinumpas ang kaniyang mga kamay. Nahati ang pader