Lucy Napakamot na lang ako ng batok ko habang tinitingnan silang lahat na parang tangang nakatingin sa mga pagkain sa hapag. Nakakunot ang noo nila't parang hindi nila maintindihan kung anong klaseng pagkain ang mga ito. Unang sumandok ng pagkain si Azriel kaya tinitigan nila ito habang nagsasalin ng kanin at ulam. Wala itong pakialam na sumubo habang ngumunguya-nguya pa. Matapos ng ilang sugundo ay umangat siya ng tingin at pinagtaasan sila ng kilay. "What?" Umiwas na lang sila ng tingin at ginaya ang ginawa ni Azriel. Nakatingin lang ako sa kanila habang isa-isang sumusubo ng pagkain. Sobrang tahimik ng hapag-kainan kaya tumikhim ako. Napatingin sila sa akin kaya uminom muna ako ng tubig. "After