Uno Napasubsob ang mukha ko sa mesa nang makaramdam akong parang may humampas sa akin. Hindi ito sa pamamaraan ng pisikal na paghampas, kun'di hampas na dulot ng pagtibag ng panangga na pinagtulungan naming gawin. Who the hell managed to destroy our barrier? Nakakaramdam man ako ng konting panghihina, nakaya ko pa rin tumayo upang magtungo palabas ng Silid Aklatan. Sa paglabas ko'y sinalubong ako ng makapal na itim na usok. Tinakpan ko ang ilong ko't napantig ang tainga ko nang marinig ko ang sigawan ng mga estudyante. Samu't-saring sigawan ang naririnig ko't hindi ito nakakaaya sa pandinig. Napapitlag ako nang makaapak ako ng isang maliit na ahas. Kinumpas ko kaagad ang kamay ko upang patayin it