FAYE Gaya ng gusto kong mangyari, hindi agad nakauwi si Mira sa bahay nila. Narinig ko rin siyang tumawag kay Cynthia na dito raw muna siya sa bahay at sasamahan niya ako para naman kahit paano ay makapag-bonding kaming dalawa. Narinig ko rin na sinabi niya sa kaniyang ina na hindi madaling makalapit sa akin dahil seryoso ako at pakiramdam niya ay pinakikiramdaman ko ang bawat kilos niya, kaya ayaw niya akong bigyan ng dahilan para pagbawalan na bumisita dito sa penthouse. Napansin kong malapit siya kay Manang Norma. Nagkumustahan silang dalawa at nagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay simula nang umalis dito sa bansa si Mira at kung ano ang nangyari sa kaniya sa abroad. Magkatabi kami ni Armida at nag-uusap. Sa harap nila, itinuloy ko ang pagpapanggap na walang marinig, kaya sa m

