FAYE “Hello, Faye,” nakangiting bati sa akin ni Mira, pero hindi ako sumagot at nanatiling seryoso habang nakatingin lamang ako sa kaniya nang tumigil siya sa tabi ng kama. “Ah, Miss, hindi po tayo naririnig ni Faye ngayon,” sabi ni Armida sa kaniya. Nangunot naman ang noo ni Mira at bumaling kay Armida. “Why? What happened to her?” “Tinambangan siya at ang driver niya noong isang araw, kaya nasira ang eardrum ni Faye,” paliwanag ni Manang Norma. Napasinghap si Mira at tila naaawa siya sa akin nang muli niya akong tingnan. “Sino'ng may kagagawan ng ambush sa kapatid ko, Manang?” tanong ni Mira sa mayordoma ni Sir Adi. “Magkapatid kayo?” gulat na tanong ni Armida kay Mira. Hindi ako sumagot at hinintay kong magsalita si Mira. Kapag pala wala akong marinig, pareho silang dalawa ni S

