DALAWANG araw pagkatapos ng operation sa karagatan. Tumambay muna sa academy si Farah dahil mas maselan daw ang gagawing operasyon ng rescue team. Mabuti na ‘yon para makapagpahinga siya. Tumulong na lang siya sa ibang kasama sa pag-repack ng mga essential goods para ipamudmod sa mga safe houses. Namimis na rin niya ang kanyang ina. Sumama siya sa paghatid ng mga food supply sa mga safe houses. Dadalawin na rin niya ang mama niya. Nagpaiwan siya sa isla para samahan kahit sandali ang mama niya. Hindi na niya ikinuwento rito ang mga naging karanasan niya sa trabaho baka bigla siya nitong pahintuin. Mas mahihirapan siya kung magmukmok lang siya roon sa isla. Baka lalo siyang atakehin ng lungkot. “Mabuti naman hindi ka nahihirapan sa trabaho mo, anak,” sabi ng kanyang ina nang kasabay niya

