“MABUTI naisipan mo pang umuwi, Derek,” bungad ni Dario kay Derek.
Hindi naman umalis si Derek para maglayas. Babalik siya. Nagpalamig lang siya ng ulo. Tanghaling tapat siya umuwi para sana hindi niya maabutan ang daddy niya sa bahay pero ito ang nagbukas sa kanya ng pinto para sa kanya. Dapat pala nag-teleport na lang siya.
“Sorry, Dad, I just want to find a place where I can ease my boredom,” sagot niya. Ang totoo, natatakot siyang itakwil ng kanyang ama. Utang pa rin niya ang buong buhay niya rito.
“Why? Am I make your life miserable? Hindi naman ako maglalabas ng sperm cells kung mayayasang lang. Of course, anak kita, pinaghirapan kitang mabuo. Pinagpaguran ka namin ng mommy mo, ‘tapos hindi ka pa masaya na nabuo ka?!” Matigas ang tinig na litanya nito.
Napatitig si Derek sa matapang na mukha ng daddy niya. Gusto niyang matawa dahil sa unang sinabi nito pero hindi niya kayang tumawa sa harap ng kanyang ama gayung seryoso ito. Baka bigla siya nitong ibalik sa pinanggalingan niya.
“Dad, I’m not blaming you. It’s me. Ako ang may problema, hindi kayo. I just want to find myself,” aniya.
“So, have you found your missing self?”
“Uh…” Napakamot siya ng ulo. “Actually, I did?” hindi siguradong sagot niya.
Tinapik ni Dario ang kanang balikat niya. Umaliwalas na ang mukha nito. “Talk to your mother. She’s dying while thinking of you almost the whole day and night. Bakit ba ako nagkaroon ng pasaway na anak?” sabi nito saka siya iniwan.
Despite his dad’s hard pride, he’s always the best father for him. Siya lang talaga itong matigas ang ulo. Alam niya’ng nasa kusina ang mommy niya. Naaamoy kasi niya ang niluluto nito. Pagpasok niya sa kusina ay kasama ng kanyang ina ang bunso niyang kaaptid na si Damian. Nag-bonding ang dalawa sa pagluluto. Binata na rin si Damian, makulit pero sweet.
“Mom?” sambit niya.
Awtomatikong lumingon sa kanya ang ginang kasabay ni Damian. Binitawan nito ang hawak na sandok saka siya biglang sinugod at niyakap nang mahigpit.
“Bumalik ka anak ko,” humahagulgol nitong sabi. Halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito.
“Ma, saglit lang naman akong nawala, ah,” aniya. Kumalas ito sa kanya.
“Kahit na!” Bigla itong nagtaas ng tinig. “Paano kung sa sandaling pagkawala mo ay may nangyaring masama sa ‘yo?”
“Hey! Wala ba kayong tiwala sa akin? Walang sinumang hahamak sa akin,” pagmamayabang niya.
“Wala akong pakialam. Basta ayaw ko na lumalayas ka. Mamamatay ako sa pag-aalala, anak!”
“Nandiyan naman ang mga kapatid ko, eh. Hindi ka malulungkot kahit mawala ako.”
Tinampal nito ang dibdib niya. “Tumigil ka nga!” asik nito. “O ano? Kumain ka na ba?” Sabay lambing.
“Uminom na ako ng blood juice,” sabi niya.
“Hindi ‘yon sapat. Kailangan kumain ka ng kanin. Umupo ka na. Ihahain ko lang ang ulam at kanin. Damian, tawagin mo na ang daddy mo at ang ate Denniela mo!”
Natataranta ang kanyang ina. Tumalima naman si Damian.
Ngayon lang ulit makakasalo ni Derek sa tanghalian ang kanyang pamilya. Naunang dumating ang ate niya’ng number one na kontrabida sa buhay niya.
“O, mabuti naisipan mo pang umuwi, Derek. Nasaan ang paninindigan mo? Next time, kung lalayas ka, lumayas ka. Huwag ‘yong halos patayin mo sa pag-aalala si Mommy!” sermon sa kanya ng kanyang ate. Umupo ito sa kabilang dulo ng long dining table.
Hindi niya ito pinansin. Maya-maya ay dumating na ang daddy niya at si Damian. Inaasahan na niya na hindi nila makakasama si Devey. May sarili na kasi itong pamilya. Kung umuuwi man ito sa bahay nila, kasama na nito ang asawa’t anak.
Tahimik ang tanghalian ng mag-anak. Napapaso si Derek sa maanghang na titig sa kanya ng ate niya. Pakiramdam niya’y ayaw na siya nitong makasama sa bahay nila. She never been good at him. They are not close. Nag-iisang babae ito sa kanilang magkakapatid pero kung umasta parang lalaki.
“Ano’ng plano mo, Derek?” mamaya’y tanong sa kanya ng kanyang ama.
Tumingin siya nang diretso kay Dario. “Babalik na po ako sa trabaho,” tugon niya.
“Paano ang subject na hindi mo tinapos?” anito.
“Babalikan ko po.”
“Last chance mo na ‘to, ha? Kapag umalis ka ulit, maghanap ka na ng lugar na habang buhay mong titirahan,” seryosong sabi ni Dario.
Nagtagis ang mga bagang ni Derek. Iyon ang salitang iniiwasan niyang sabihin ng daddy niya, ang binibigyan siya ng huling pagkakataon.
“Opo, Dad,” matatag na sagot niya.
Biglang tumahimik. Tanging kalansing ng mga babasaging kobyertos ang naririnig.
Pagkatapos ng tanghalian ay nagkulong sa kuwarto niya si Derek. Humilata siya sa kama. Mamaya ay may kumatok sa pinto.
“Come in!” sabi niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Damian. Twenty-four years old na si Damian. Mas matanda siya ng apat na taon rito. Dapat nga siya ang bunso pero biglang nagbuntis ang mommy niya bago ito tuluyang nagpasya na maging bampira.
Umupo siya. “Bakit?” tanong niya sa kapatid.
Umupo ito sa sofa, sa tapat ng kama niya. “Naalala mo pa ba si Nayumi Hitake?” untag nito.
Para siyang biglang bumalik sa nakaraan nang maalala ang day walker vampire na babae. Halos kalahating taon din niya iyong nakarelasyon. Dumayo sa bansa si Nayumi para hanapin ang mortal na babae. Misyon ni Nayumi na maipaalam sa ordinaryong babae na nangangailangan ng bone marrow transplant ang kapatid nito’ng nasa Japan. Kaibigan daw ni Nayumi ang kapatid niyong may bone marrow cancer. Jenshu raw ang pangalan ng lalaking kaibigan nito.
Tinulungan pa niya noon si Nayumi na mahanap ang babae. Hindi na niya maalala ang pangalan ng babae na hinahanap niyon. Tatlong taon na kasi ang nakalipas magmula noong umalis ng bansa si Nayumi. Pagkatapos noon ay wala na siyang balita rito.
“Bakit? Ano’ng alam mo tungkol kay Nayumi?” pagkuwa’y tanong niya kay Damian.
“Pumunta kami ni Kuya Devey sa Tokyo noong nakaraang araw para makausap ang pinakamataas sa grupo ng mga bampira roon. Nalaman ko na si Master Yukoshin Hitake ay tatay pala ni Nayumi. Na-curious ako kaya tinanong ko ang tungkol kay Nayumi. At nagulat ako nang sabihin niya na tatlong taon nang patay si Nayumi. Ginawa raw ni Nayumi ang life transfusion sa kaibigan nitong nakatakda nang mamatay. Pero bago raw ‘yon, nakaranas ng depresyon si Nayumi at iyon ang iniisip nilang dahilan kaya mas ginusto ni Nayumi na mamatay,” kuwento ni Damian.
Napatayo si Derek. Para siyang sinampal ng impormasyong narinig mula sa kapatid. Panahon na ba para isisi niya sa sarili ang nangyari kay Nayumi? Pero hindi niya sinadyang saktan ang damdamin ng dalaga. Pinipilit kasi siya noon ni Nayumi na sumama rito sa Japan, pero hindi siya pumayag. Kung meron man siyang pagkakamali, ‘yon ay ang mga sinabi niya noon sa dalaga, na maaring nanakit nang husto sa puso nito.
“Sorry, I can’t leave my family for the sake of love. Love was easy to find, but my family is my life. If you want to leave, I will let you go, but I can’t promise you to keep on loving you.” sabi niya noon kay Nayumi bago sila naghiwalay.
Aminado siya na napamahal siya sa dalaga. Pero ang pagmamahal na ‘yon ay mabilis na naglaho kasabay sa paglisan ng dalaga. He never felt regret about losing her.
“I think you’re the reason why Nayumi decided to end her life. She was depressed because of love, based on her father,” ani ni Damian.
Tiningnan niya nang masama ang kapatid-na para bang isinisisi sa kanya ang nangyari kay Nayumi.
“She chose to die because of her friend! If I have a mistake, I will admit it. Binigyan ko siya ng option noon, pero binalewala niya. Ayaw niyang tumira sa Pilipinas dahil hindi niya kayang pabayaan ang kaibigan niya. I’m not an idiot to hurt my ego! She chose her friend over me. Sino ang mas mataas ang pride sa amin? Pinatunayan lang niya sa akin na hindi niya ako kailangan. At dahil doon, hindi ako naghabol. Hindi ako ganoon kagago. It’s her fault, not mine, kaya huwag mo sabihing kasalanan ko, Damain. Alam mo kung paano ako nag-effort para makuha ang loob niya,” nanggigigil niyang depensa.
Kasa-kasama kasi niya noon si Damin, noong sinusuyo niya si Nayumi. Alam din nito kung paano nabuo ang relasyon nila ng dalaga.
Tumayo si Damian. “Fine. Tapos na ‘yon, bakit pa ba natin inuungkat? Ang ikinakatakot ko lang naman ay ang posibleng ganti ng taong hindi matanggap ang pagkawala ni Nayumi,” sabi nito.
“I’m not afraid!” matapang na sabi niya.
Kumibit-balikat lang si Damian saka tuluyang lumabas.
Hindi na humiga muli sa kama si Derek. Sa halip ay lumabas siya ng kuwarto. Kapag nagmukmok kasi siya sa kuwarto ay kung ano-ano lang ang papasok sa isipan niya. Nagpaalam siya sa mommy niya para bumalik sa academy.
Nakalimutan niya nakailangan pala niyang isalba ang mga lamang-dagat na nanganganib na maapektuhan ng virus. Alam na rin pala ng tagapangalaga ng karagatan ang tungkol sa problema. Kaya nilapitan niya ang Tito Marco niya. Ito lang ang maaring mag-secure ng karagatan. Pinuntahan niya ito sa bahay nito.
“Eksakto, susuyurin namin ang karagatan nito,” sabi ni Marco nang magpang-abot sila sa lobby.
“Sino ang makakasama mo, Tito?” tanong niya.
“Ang rescue team. Hindi ba kasama ka?”
“Pero hindi pa ako nag-duty.”
“Ah, no problem. Kung gusto mong sumama sa amin, bahala ka. Paalis na kami.”
“Sige.” Sumunod na siya kay Marco.
HININTAY ng rescue team na lumubog ang araw bago sumisid sa karagatan. Excited na rin si Farah sa gagawin nila. Binigyan siya ng proteksiyon sa katawan para hindi siya makagat ng mga lamang dagat na apektado ng virus. Si Marco na lang ang hinihintay nila, maglalayag na ang barko nila. Nakahansa na rin ang naglalakihang aquarium para paglagyan ng ma-rescue na lamang dagat.
Tamang-tama paglubog ng araw ay dumating si Marco pero may kasama. Kasama nito si Derek. Sinalubong nila ang mga ito.
“Hey, Derek! Bakit narito ka?” bungad ni Symon kay Derek.
“Kasama ako sa operation. Baka nakalimutan mo, leader ako rito,” sagot naman ni Derek.
“Leader na walang paninindigan sa trabaho,” sabad naman ni Elias, seryoso.
“Ah, tama na ‘yan. Magsimula na tayo bago pa tayo maunahan ng mga halimaw!” awat naman ni Marco.
Nagsikilos na ang lahat. Lahat sila ay may suot na rubber wet suit bilang proteksiyon maliban kay Derek. Wala rin itong suot na oxygen. Gumaya ito kay Marco na parang maglalakad lang sa ilalim ng dagat. Sa noo niya ay may waterproof na headlight. Napakatayog ng nararating ng liwanag. Ganoon din sa ibang kasama nila. May kanya-kanya silang dalang fishnet para paglagyan ng mahuhuli nilang lamang dagat.
Naglayag na ang barko. Naghahanda na rin ang iba sa pagsisid. Nakaabang na rin si Farah sa hagdan kung saan sila bababa. Maya-maya ay namataan niya si Derek na papalapit sa kanya. Diretso ang tingin nito sa kanya.
“Bakit ka pa sumama?” kaagad nitong tanong pagkahinto may dalawang dangkal ang pagitan sa kanya.
“Gusto kong tumulong sa pagsalba sa mga lamang-dagat,” sagot niya.
“Nakagat ka na nga ng halimaw na isda, hindi ka pa ba nadala?” iritadong sabi nito.
“Hindi na ako makakagat ngayon. Makapal ang suot kong suit. Gawa ito sa goma kaya hindi tatalab ang pangil ng mga isda,” confident na sagot niya.
“Ang lakas din ng loob mo eh, no? Mantakin mo, ikaw lang mag-isa ang babae.”
“Minamaliit mo ba ang kakayahan ko, Derek?” inis na sabi niya. Kontrabido talaga ito sa buhay niya.
“In this case, yes. Huwag mong pilitin na maging kasing productive ng mga lalaki. Kapag nakagat ka ulit o napahamak, hindi na kita tutulungan,” pananakot nito.
“E ‘di ‘wag. Hindi ko naman hiniling sa ‘yo na iligtas mo ako,” palabang sagot niya. Inirapan niya ito.
Napansin niya ang paninigas ng panga nito. “Oo nga. Hindi sana kita inilayo noon sa mga halimaw para nagsama kayo ng boyfriend mo’ng nakain,” anito sabay bira ng talikod.
Nagtataka si Farah bakit ang suplado ngayon ni Derek. Hindi naman niya ito inaano. Hindi na rin niya ito pinansin. Pagdating sa gitna ng karagatan ay nagsimula nang nagsitalon sa tubig ang mga kasama nila. Sumunod si Farah kay Elias. Ang sabi kasi nito, huwag siyang lalayo rito.
Pagdating sa ilalim ng tubig, sinimulan ni Farah ang pagdakip sa mga maliliit na isda. Pero ang target talaga niya ay ang mga kabebe. Nakabuntot lang siya kay Elias. Bumaba pa siya nang makita niya ang mga corals. Maraming isda na nagtatago roon. Ang sabi sa kanila ni Alessandro, ang isda raw na apektado ng virus ay maputla ang kulay na parang bilasa na at may ilang parte ng katawan na naaagnas, nanghahabol ng ibang isda o maging tao. Hindi raw normal ang laki ng mga ngipin ng ordinaryong isda na apektado ng virus. Meron din namang armas si Farah para sakaling may umatake sa kanya ay meron siyang panlaban. Binigyan siya ni Elias ng laser gun na accurate sa ilalim ng tubig.
Hawak ng kaliwang kamay niya ang baril habang nakasukbit naman sa tagilitan niya ang belt na kinakabitan ng fishnet. May nakita siyang tatlong malaking kabebesa buhangin. Kahit may kalaliman na’y gusto pa rin niya itong makuha. Tiningnan muna niya si Elias, may dalawang dipa ang layo nito sa kanya. Hindi naman ito umaalis kaya bumaba pa siya hanggang sa maabot niya ang tatlong kabebe. Nakuha niya ang mga ito at isinilid sa net.
Nang paangat na siya’y biglang may bumalya sa likod niya. Sa lakas ng impact ay nabitawan niya ang kanyang baril. Hindi na niya ito nahabol dahil paglingon niya sa likuran ay nakaabang doon ang malaking isda na may malalaking pangil. Hindi naman ito pating. Parang ordinaryong isda lang ito pero nakakikilabot ang hitsura. Biglang bumuka ang malaking bunganga nito at sumugod sa kanya. Hindi siya nakaalis sa puwesto niya dahil naipit ang kaliwang paa niya sa magkatabing corals.
Diyos ko! Sigaw ng isip niya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang akala niya’y lalamunin na siya ng malaking isda. Pero hindi naman siya nasaktan. Pagdilat niya’y namataan niya si Derek na nakikipagbuno ng lakas sa halimaw na isda. Hiniwa ng matutulis na kuko ni Derek ang tiyan ng isda. Namula ang tubig.
Nang matiyak na patay na ang isda ay nilapitan siya ni Derek. Hinawakan nito ang kanang braso niya at pilit siyang hinihila. Pinalo niya ang kamay nito saka itinuro ang paa niya’ng naipit. Dagli naman nitong sinira ang corals para lang makaalis ang paa niya. Pagkatapos ay hila-hila na siya nito patungo sa mas ligtas na lugar.
Wala pang utos si Marco na tumigil na sila ay kinuyod na siya ni Derek paahon sa tubig. Pagdating sa barko ay inalis kaagad niya ang mabibigat na bagay na nakakabit sa katawan niya. Inilagay niya sa aquarium ang mga nakuhang lamang dagat. Naiinis siya dahil hindi niya nakuha ang nakita niyang kabebe bago siya hinila ni Derek paangat.
“See? Paano mo nasabing kaya mong makipagsabayan sa amin?” sabi sa kanya ni Derek.
“Nagkataon lang na nabitawan ko ang baril kaya hindi ko nalabanan ang halimaw na isda!” dahilan niya.
“Gaano ka kasigurado na mapapatay ng baril mo ang isda, ha?” inis na tanong nito.
“Ano ba talaga? Bukal ba sa loob mo ang pagtulong o hindi?” naiirita na ring sabi niya.
“Hindi ako hangal para pabayaan kang makain ng halimaw na isda!”
“Pero ang sabi mo kanina, hindi mo na ako sasagipin o tutulungan!”
Sandaling tumahimik si Derek. Bumuga ito ng hangin. “Hindi na nga sana pero natagpuan ko ang sarili ko na nakikipagbuno sa isda. Hindi rin ako patatahimikin ng konsiyensiya ko kapag namatay ka na wala akong nagawa. No choice, ako lang ang malapit sa ‘yo,” pagkuwa’y sabi nito.
“So, napipilitan ka lang?” usig niya.
Hindi ito sumagot. Matiim itong tumitig sa kanya. Parang kinakabisado nito ang anggulo ng mukha niya.
“Take a rest. At utang na loob, huwag ka nang bumalik sa tubig!” wika nito. Pagkuwa’y iniwan siya.
Nakasimangot si Farah habang sinusundan ng tingin ang papalayong pegura ni Derek.