HININTAY lang ni Maya makaalis ang grupo ni Yoshin bago rin lumisan. Talagang apat na bodyguards ang pinasama nito sa kan’ya at isang driver. Para namang mawawala siya. Ginamit nila ang isang SUV. Dumiretso sila sa mall kung saan merong bumibili ng gold. “It costs three thousand, one hundred euro, ma’am,” sabi ng lalaking may jewelry shop. Na-check na nito ang gold coin na maliit. May nakita siyang malaking coin sa drawer ni Yoshin, mas mahal malamang ‘yon dahil makapal at mabigat. “I will sell that,” sabi niya. “Okay. It’s the close price.” Hindi na siya nagreklamo dahil manipis lang naman at magaan ang gold coin. Malaking halaga na ang three thousand euro kung ipapalit sa piso. Nasa sixty pesos ang one euro. Nang makuha ang bayad sa ginto ay kaagad siyang nagtungo sa remittance cen