HINUBAD ni Maya ang basang underwear niya pero binalot niya ng tuwalya ang kan’yang katawan. Medyo mababa lang ang masage bed, hanggang tuhod niya kaya madaling masahehin si Yoshin. Kinuha na niya ang oil na merong eucalyptus. Medyo maanghang ito pero masarap amuyin ng mint. Pinatakan niya ng oil ang likod ni Yoshin mula sa mga balikat. Sinimulan na niyang pisilin ang mga balikat nito. Ang titigas ng muscles nito kaya todo puwersa siya habang hinahagod. Hinagod niya ito ng kamay pababa sa likod at balakang nito. Napapaungol ang binata lalo nang diinan niya ang paghagod ng kamay sa muscles nito sa likod. Pagkatapos sa likod ay napadpad ang mga kamay niya sa mga hita at binti nito. Nilagpasan niya ang mapipintog na pisngi ng pang-upo nito. Ang bilis mawala ng oil dahil ina-absorb ng balak.