NAPAKO na ng paningin ni Maya kay Yoshin na hindi maipinta ang mukha. Tuluyan itong lumapit sa mga kaibigan. Humagikgik naman si Wallace habang paalis. Tinapik nito sa balikat si Yoshin. “You can’t hide your sh*tty thoughts from me, Lord Yosh. I could smell my fellow men who had s*x even a month ago,” pilyong wika in Wallace bago tuluyang lumabas. Lumabas na rin si Vladimir at binitbit na ang bowl ng ubas. Si Alejandro ang naiwan at naghugas ng kubyertos. Napatayo si Maya at nilapitan si Alejandro. “Leave it to me, Ale. You’re a visitor; you should not do this,” sabi niya. “Let me do this. Just leave,” anito. Mas suplado pa pala ito kaysa kay Yoshin. Napangiwi siya at napaatras. Nilingon niya si Yoshin na may kinuha sa ref. “Maya,” pagkuwan ay tawag nito. Mabilis naman siyang lumapi