“HOY! Pinoy ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Maya sa lalaki. Umaliwalas din ang mukha nito at ngumisi sa kan’ya. “Half lang. My father was an Italian-Spanish national,” sabi nito. “Kaibigan ka rin ba ni Yoshin? Sino ka pala?” nasasabik niyang usisa. “I’m Wallace Mancini, isa sa business partners ni Yoshin at member ng organization.” Nagpakilala rin ito. “Ah, hindi ka as in friend ni Yoshin?” “Err, something complicated. Minsan friend minsan hindi. Depende sa mood ni Yoshin.” Natawa siya. “May gano’n pala? Uy, sorry, ah. Ginulat mo kasi ako kaya ‘yan, natapunan ka ng soy. Hindi ka naman kasi nagsasalita.” “It’s okay. Magpapalit na lang ako ulit ng damit. Kanina nahulog ako sa pool ni Yoshin kaya naligo ako. Lintik na Vladimir kasi ‘yo, tulak nang tulak!” Pumalatak na ito. Nat