TULUYANG nilamon ng mabigat na emosyon ang puso ni Maya na nag-udyok sa kan’ya na mapahikbi. “How can I understand you if you can’t express your feelings in the right way? Do you think doing this stupid idea to me will convince me to stay with you? Binigyan mo lang ako ng dahilan para katakutan at layuan ka, Yoshin. Just tell me why. I will listen,” aniya sa kalmadong tinig. May dinukot sa bulsa ng pants nito si Yoshin, isang susi. Kinuha nito ang kaliwang paa niya at kinalas ang posas. “I hate someone leaving without saying anything or any valid reasons,” anito pagkuwan. “Noong iniwan kita sa Italy, no choice ako kasi ramdam ko na wala kang balak pauwiin ako. I left the letter, right? Siguro naman malinaw na sa ‘yo ang dahilan ko.” “I understand, Maya, but my point is, I don’t want y