Chapter 51

1816 Words

ALAS-DOS na ng hapon natapos ang gig nila Maya at hindi na siya nagtagal matapos makuha ang shares niya sa kita. Kaagad siyang umuwi. Pagdating ng condo ay nadatnan niya si Chase sa lobby na abala sa pagtipa sa laptop. “Good morning, Maya!” bati ni Chase. “Morning. Bakit gising ka pa? Mag-uumaga na,” aniya. “Nakatulog na ako. I just woke up to finish my paperwork.” “Si Yoshin?” “Katutulog lang niya.” “Late na rin siyang natulog, ah.” “Nag-bake kasi siya ulit ng almond chocolate cookies.” “Talaga?” Sumugod na siya sa kusina. Nasa lamesa ang cookies na ginawa ni Yoshin, nakaayos pa sa bilog na platong palalim. Nagtimpla siya ng kape saka nag-almusal ng cookies. Hindi masyadong matamis ang cookies at walang wheat floor kaya bumanat siya ng kain. Nabitin tuloy ang isang tasa ng kape n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD