Chapter 3

2187 Words
NANG makapagbihis ay kinatok ni Maya si Yoshin sa kuwarto nito. Ang tagal nitong lumabas at naiinip na siya. Kailangan na niyang makauwi pero hindi pa binibigay ng binata ang perang bayad sa serbisyo niya. Muli siyang kumatok sa pinto at sa wakas ay bumukas ito. Bumungad sa kan’ya ang hubad-barong katawan ni Yoshin. Itim na boxer lang ang suot nito pan-ibaba. Mariing kumunot ang noo nito at diretso ang titig sa kan’yang mukha. “What?” tanong nito sa matigas na tinig. “I need to go,” aniya. “Then, go. My driver will drive you home.” Isasara sana ulit nito ang pinto ngunit maagap niyang itinulak. “Wait a minute! Where’s my payment? You got my virginity, so you need to pay me triple the price I mentioned!” Lalong nangunot ang noo ang binata. “How much exactly do you need?” “Uhm….” Napaisip pa siya. “Five thousand dollars!” pagkuwan ay tugon niya. “What? That’s too much, lady!” “I got hurt, and it’s not supposed to happen. I had lost my virginity to the wrong guy!” Napailing si Yoshin. “I had lost my virginity, too. I will give your payment tomorrow. I don’t have enough cash here.” Natigalgal siya at awtomatikong uminit ang kan’yang bunbunan. “Punyeta ka! Ang lakas ng loob mong magpa-blowjob na nauwi sa churvahan, wala ka palang perang animal ka!” nanggagalaiting bulyaw niya sa lalaki. Tinagalog na niya ito para hindi nito maintindihan kahit pinagmumura niya. Hindi na maipinta ang mukha ni Yoshin. “Minumura mo ba ako?” bigla’y tanong nito, biglang nag-Tagalog with accent. Natigilan siya. Tila natuklaw ng ahas at naestatwa na siya nang malamang marunong palang mag-Tagalog si Yoshin. “Y-You can speak Tagalog?” manghang untag niya. “Not fluent, but my mom was a Filipina. She taught me some basic Tagalog language.” Napangiwi siya. “P*tang*nang ‘to, pinahirapan mo pa ako kaka-Inglish dito! Hala! Bayaran mo na ako! I need five thousand US dollars! ASAP!” Inilahad niya ang kan’yang kanang palad sa harap ni Yoshin. “I only had one thousand US dollars here. You can receive the remaining four thousand dollars tomorrow.” Bumalik sa loob ng kuwarto si Yoshin. Naghintay naman siya ng ilang minuto habang nakapamaywang. Hindi siya mapakali at walang tiwala na ibibigay sa kan’ya ni Yoshin ang balanse nito. Nang makabalik ito ay kaagad niyang kinuha ang isang libong dolyar. “How can I believe that you will give the remaining four thousand?” aniya. “My assistant will give it to you tomorrow in the bar. You may leave now!” Magsasalita pa sana siya ngunit pinagsarhan na siya nito ng pinto. “Animal ka!” gigil niyang usal. Umalis na lamang siya at nagkandaligaw-ligaw pa sa dami ng glass door. Mabuti napansin siya ng isang guwardiya na nasa labas at kinatok nito ang salaming dingding. Itinuro nito ang main door. Lumabas na siya at kaagad lumulan sa itim na kotse kung saan siya iginiya ng matangkad na lalaki. Bumalik pa siya sa bar upang kunin ang ibang gamit niya. May bukas pang remittance center kaya kaagad niyang pinadala sa kan’yang ina ang isang libong dolyar. Mabuti na lang US dollar ang pera ni Yoshin, mas malaki ang value sa peso. Nang maipadala ang pera ay kaagad siyang umuri sa inuupahang apartment walking distance lang mula sa bar. Bumili na siya ng stock niyang pagkain. Kaagad siyang pumasok ng banyo at naligo. Panay ang pagmumura niya dahil sa mahapdi niyang kaselanan. “B*wisit kasing lalaki ‘yon! Sabing blowjob lang, pinainit pa ako! Nawasak tuloy ang p*mp*m ko! Ang laki pa ang sausage niya!” palatak niya habang nagkukuskos ng sabon sa katawan. Kinabukasan ng hapon na pumasok sa trabaho si Maya. Dapat ay may duty siya ng umaga bilang waitress naman kaso hirap siyang bumangon dahil sa pananakit ng katawan. Wala siyang schedule sa pagkanta pero bartender naman siya sa gabi. “Gregorio, has the boss arrived?” tanong niya sa lalaking bartender nang makapasok sa counter. Nagtataka siya bakit malungkot si Gregorio. Napailing ito. “He will never come here,” anito. “Why?” Ginupo na siya ng kaba. “His secretary just announced earlier that Boss had already given up on this business. He could not pay the debt, so he doesn’t have a choice but to let go of the restaurant as collateral.” “You mean we will leave, too?” Kumibit-balikat si Gregorio. “I don’t have an idea. Maybe the new owner will choose who will stay here. I hope I’m the one who chooses to stay.” Nataranta na siya. Hindi madaling makahanap ng trabaho sa bansang ‘yon lalo kung ibang lahi. Mapalad lang siya dahil kilala ng boss niya si Craig na kaibigan niya, kaya naisalba siya mula sa dati niyang employer na abusado. Kung isa siya sa matatanggal na empleyado, wala siyang choice kundi uuwi ng Pilipinas. Kaso wala pa siyang ipon. Kinagabihan ay abang nang abang si Maya kung may darating na tauhan ni Yoshin. Kailangan niyang makuha ang perang balanse nito sa serbisyo niya para kahit papano ay may maiuwi siyang pera sa kan’yang pamilya. Alas-diyes na ng gabi ay wala pa ring lumalapit sa kan’ya na tauhan ni Yoshin. Kabado na siya sa isiping hindi tumupad sa usapan ang lalaki. Hindi pa naman niya kabisado ang bahay nito. Wala man lang siyang contact number ng lalaki. Natapos na lang ang duty ni Maya ay hindi pa rin nagpakita si Yoshin o ang tauhan nito. Urat na urat siyang umuwi. Pagdating ng apartment ay tumawag siya sa kan’yang ina. “Hello, Anak!” wika ng ginang buhat sa kabilang linya. “Ma, kumusta po? Natanggap n’yo na po ba ang perang pinadala ko?” aniya habang naghuhubad ng damit. Naka-loudspeaker lang ang cellphone niya na nasa kama. “Oo, kaso may problema.” “Ano pong problema na naman?” “Kailangang maoperahan sa kidney ang papa mo. Kulang ang perang pinadala mo. Nibenta ko na ang isang kalabaw pandagdag gastusin. Malala pa ang diabetes ng papa mo.” Napabuga siya ng hangin. “Eh, may problema pa po sa kumpanya namin. Iba na ang boss at hindi ako sigurado kung matino. Baka maisama ako sa matatanggal. Pero huwag po kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan.” “Ibenta ko na lang kaya ang kalahating lupang sakahan para maoperahan na ang tatay mo. Hindi na sapat ang dialysis lang sabi ng doktor. Hindi na rin naman niya kayang magsaka. Ang kapatid mo, gusto na mahinto sa pag-aaral dahil magtatrabaho na lang daw.” “Nako, huwag n’yong pahintuin si Boyet, ‘Ma! Tanungin n’yo muna si Papa kung payag siyang ibenta ang kalahating sakahan. No choice tayo, gipit pa ako ngayon.” “Sige, kakausapin ko siya. Huwag kang ma-pressure riyan, Anak. Gagawa muna ako ng paraan.” “Opo. Balitaan n’yo ako kung ano ang desisyon ni Papa.” “Oo. Mag-ingat ka riyan, Anak, ha?” “Kayo rin po. Ingatan n’yo ang kalusugan n’yo. Baka tataas na naman BP n’yo dahil sa stress.” “Salamat sa pag-aalala, Anak. Pasensiya na dahil ikaw ang nagigipit.” “Ayos lang ako, Ma. Sige na. Matutulog na ako.” “Bye na!” Pinutol na niya ang linya at kaagad nahiga ng kama. Masakit pa rin ang katawan niya at hindi tumalab ang painkiller kaya hirap siyang makatulog. ISANG linggo pa ang lumipas. Aligaga na si Maya dahil talagang hindi na nagparamdam sa kan’ya si Yoshin. Mabuti na lang suweldo na nila. Ang kalahating pera mula sa sahod ay pinadala kaagad niya sa kan’yang ina. Sabado ang gabi ay late na siyang pumasok. Nagulat siya bakit sarado ang bar pero may mga costumer na naghihintay sa labas. Mabilis siyang pumasok nang sabihin ng guwardiya na merong meeting. Nasa lobby lahat ng staff at may lalaking naka-black suit na nagsasalita sa harap nila. Nakinig din siya. May ibang nag-iiyakan na dahil sa takot na matanggal sa trabaho. Nagsimula na ring mag-anunsiyo ang lalaki kung sinu-sino ang empleyadong maaalis. Kumabog na ang dibdib ni Maya. “Those names I mentioned will be deployed in some business branches. We will not fire any of you,” sabi ng lalaki. Nakahinga ng maluwag si Maya. Napawi rin ang lungkot ng iba. Pero kalaunan ay nabanggit din ng lalaki ang kan’yang pangalan, panghuli. Wala itong sinabi kung saan siya ilalagay. Hindi siya nakatiis at lumapit sa lalaki. “Excuse me, sir. May I ask where my new job is?” tanong niya sa lalaki. “What is your name, lady?” tanong ng lalaki. “Kristana Sta. Anna, sir.” Tumingin pa sa hawak nitong papel ang lalaki. “Ah, here you are. Let’s wait for the boss. He will decide on your new job.” Napangiwi siya. Naghintay naman siya sa pagdating ng boss. Bumalik siya sa kan’yang puwesto at nakiusyoso sa ibang katrabaho. Masaya ang iba dahil malilipat umano sa mas malaking bar at sikat, malaki rin ang suweldo. “What about you, Maya? Where is your new job?” tanong sa kan’ya ng waitress na si Gracia. “Hm, I don’t have an idea,” aniya. Makalipas ang ilang sandali ay nag-anunsyo ang guwardiya na nariyan na ang boss. Naglinya silang lahat na harapan mula sa main door. Nang bumukas ang pinto ay yumukod ang lahat maliban kay Maya. Napamulagat siya nang makita sa wakas si Yoshin na nakasuot ng black suit kasunod ang mga alalay nitong naka-suit din. Lalapitan sana niya ito ngunit pinigil siya ng isang bodyguard. “Don’t interrupt,” sabi ng lalaki. Tumayo siya nang tuwid at sinundan na lamang ng tingin si Yoshin na dumiretso sa harapan nila. Tumayo ito katabi ng lalaking nagsalita kanina. Ito rin ang nag-introduce kay Yoshin. “Ladies and gentlemen! He’s your new boss, the owner and CEO of Guicini Group of Companies. He’s also the founder of Guicini Grand Estate in Southern Italy! He bought this bar not just as collateral from the previous owner but to save it from bankruptcy. So please give him a warm welcome!” sabi ng lalaki. Napakagat sa kan’yang ibabang labi si Maya. Walang kurap siyang tumitig kay Yoshin na seryoso at napako rin ang titig sa kan’ya. Awtomatikong tumahip ang dibdib niya sa kaba nang magtama ang mga titig nila. Ito na pala ang bago niyang boss! “You may now go back to work!” wika ng lalaki. Nagsikilos naman ang mga empleyado maliban kay Maya na tulala pa rin. Hinabol niya ng tingin si Yoshin na pumasok sa opisina. Nang mahimasmasan ay sinundan niya ito pero hinarang siya ng bodyguards. “I need to talk to the boss, please. It’s important!” samo niya, may pa-cross fingers pa. “You can’t directly face the boss unless he asks to,” sabi ng lalaki. “But it’s important. I don’t know where I’m going to work.” “Wait a minute. I will ask his consent.” Pumasok ng opisina ang lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang lalaki. May CCTV camera naman sa labas kaya makikita sa loob kung sino ang naghihintay. “You may get inside, but be careful with your words. Don’t approach the boss like your previous boss,” wika ng lalaki. “I got it! Thank you!” Pinapasok na siya ng lalaki. Hinintay niya na matapos sa kausap nito si Yoshin bago lumapit. Nang makalabas ang lalaking tila assistant nito ay saka siya dumaldal. “I need my money! My father was sick! You said you would give your balance payment, but it’s been a week now!” palatak niya sa harap ni Yoshin. Prente itong nakaupo sa harap ng lamesa at diretso ang titig sa kan’yang mukha. “I’ll give you the payment, but you have a new job. You will no longer work here.” anito. “What job?” balisang tanong niya. “I’ll tell you later.” May dinukot sa bag nito si Yoshin. Pagkuwan ay inabutan siya nito ng four thousand US dollars. Dagli naman niyang kinuha ang pera. “Thanks, but I want to know if my new job fits my skills.” “Pack your things first.” “What? Teka, bakit ako mag-e-impake ng gamit?” “Just do what I said and stop asking anything! Stop complaining!” Nagtaas na ito ng boses. Naguguluhan siya. “Wait, I don’t get it.” Tumayo na si Yoshin. “My assistant will guide you on what to do. Please follow him if you want to get the job. I’ll offer you from five US dollars to ten thousand dollars in monthly salary depending on your performance.” Lalo siyang nagduda. “W-What kind of job? Please make it clear before I accept your offer.” “Be my personal entertainer, and if you can do a housemaid job, it’s better.” Nawindang siya. Pagkakataon na niya ‘yon upang makasuweldo nang malaki ngunit nilamon naman siya ng kaba. Tatanggapin ba niya ang offer ni Yoshin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD