Chapter 4

2445 Words
“SANDALI! Are you serious about the job offer?” paglilinaw ni Maya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabing suweldo ni Yoshin. “I hate repeating myself. Just decide right away, Kurisma!” iritableng sabi nito. “Maya sabi ang palayaw ko!” asik din niya. “I don’t care! Just do what I said! Romulus will assist you, and please don’t make a scene,” anito at sana’y aalis ngunit pinigil niya sa kanang braso. “Don’t be harsh, sir. I need a job—a decent job—to earn money for my family. I don’t have time for a joke,” seryoso nang sabi niya. “Who told you I’m joking? I just made my offer. It’s up to you if you will accept or not, and then I’ll find you another job with a low salary rate.” Napaisip din siya. Nabenta na ng nanay niya ang kalahating lupang sakahan nila kaso kulang pa rin ang pera dahil malaki ang magagastos sa operasyon ng tatay niya. May sakit din sa puso ang kaniyang ina kaya maraming maintenance na gamot. Kalaunan ay nabuo rin ang kan’yang pasya. “Okay, I will accept your offer. But give me the specific job you want me to offer, too,” aniya pagkuwan. “Let’s talk about it once you come to my place. I’ll leave the rest to Romulus. Be nice to him,” sabi nito saka tuluyang lumisan bitbit ang handbag na itim. Paulit-ulit siyang bumuga ng hangin bago lumabas. Sinalubong naman siya ni Romulus. “Let me guide you on what to do, Kristana. Please don’t be scared,” sabi ng lalaki. “Yoshin said I need to pack my things. Which things?” naguguluhang sabi niya. “Uh, he means was your things from your house. You are going to stay in Boss’s house.” Umangat ang sulok ng kan’yang mga labi. “Seriously?” “Yes. Since you agreed to Boss's job offer, you need to follow the rules. It’s a piece of cake for you. Come on. Let’s start moving in.” Sumunod naman siya kay Romulus. Kinuha niya ng kan’yang gamit sa locker saka umalis kasama si Romulus. Lumulan sila sa pulang kotse at nagtungo sa kaniyang apartment. Obligado siyang umalis sa inuupahan. May advanced payment naman siya sa upa at inupahan lang din ang mga gamit. Personal na kagamitan lang ang bitbit niya, dalawang maleta at isang backpack. “Can we go now, Krisanta?” tanong ni Romulus nang maisakay na lahat ng gamit niya sa kotse. Tulala pa siyang nagbabasa ng chat sa kan’ya ni Boyet. Problemado ito dahil tumataas din umano ang BP ng nanay niya. Obligado itong huwag papasok sa school. Second year college pa lang si Boyet sa kursong BS Criminology pero biyente uno anyos na. Pahinto-hinto kasi sa pag-aaral. Siya naman ay biyente sais anyos. May kapatid pa silang bunso na babae, si Karen, third year high school. “Uhm…. can I go to the remittance center first, sir?” tanong niya rin kay Romulus. “For what? We ran out of time. Boss is waiting for us.” “I need to send money to my family first. It’s an emergency.” Naawa naman ang lalaki. “Okay, but make it hurry.” “I will.” Lumulan na sila sa kotse. Mabuti may bukas pang remittance center at wala masyadong tao. Pinadala na niya lahat ng apat na libong dolyar sa pangalan ni Boyet. Minadali na siya ni Romulus dahil tumatawag na umano rito si Yoshin. “Ano ba ang minamadali ng taong ‘yon?” usal niya nang makalabas ng remittance. Padabog siyang sumakay ng kotse. “Are you done?” tanong ni Romulus. “Yes, sir!” mabilis niyang tugon. Nagmaniobra naman ang driver. Nasa backseat siya at katabi si Romulus. Panay ang tipa niya sa cellphone at nag-reply kay Boyet. Iritang-irita siya sa buyer ng lupa nila dahil binarat na. Porque for emergency ang pagbenta ay aabuso na ang mga ito. Natataranta na ang nanay niya kaya hindi makapagdesisyon nang maayos. Isang milyon ang naipon nilang pera para sa operasyon ng tatay niya at ibang gamutan. Kasama na roon ang pinadala niya. Nagastos na kasi ang iba kaya nabawasan ang pera niya. Halos wala na ring natira sa kan’ya. Umaasa siya na maganda itong kalalabasan ng trabahong offer ni Yoshin, makabawi rin sila sa gastusin. Malayu-layo pa ang biyahe nila bago nakarating sa destinasyon. Nagtataka siya bakit ibang bahay na ito, hindi iyong unang pinagdalhan sa kan’ya ni Yoshin. “Where are we?” ‘takang tanong niya kay Romulus. “We're here at the headquarters. Lord Yoshin told me to proceed here,” ani Romulus. “Is this his other house?” “No, but he’s also staying here for business.” Aware siya na mafia si Yoshin kaya hindi nakapagtataka bakit napakayaman nito. Ayon sa dati niyang boss, may sariling mafia organization si Yoshin at maraming business. Huminto ang kotse sa tapat ng tatlong palapag na gusali pero malalayo ang agwat kaya kung titingnan ay parang apat na palapag. Kaagad silang bumaba at ang bodyguards na ang nagdala ng kan’yang gamit. Mas maraming tao roon, armado. Wala siyang makitang pinoy, puro Italian national pero merong Black Americans at hula niya’y Chinese o Japanese dahil singkit ang mga mata. “Come inside, Krisanta,” sabi ni Romulus. Pumasok naman siya sa malaking pintuan na gawa sa bakal. Kusa itong bumukas. Namangha siya sa lawak ng lobby pero wala masyadong gamit. Para itong function hall ng isang hotel. May escalator doon pero meron ding spiral ladder na yare sa bakal. “Go upstairs, Krisanta. The guard will assist you,” ani Romulus. Sumakay naman siya sa escalator at diretso third floor. Sumunod siya sa guwardiya na patungo sa dulong pintuan. Nakasunod din ang dalawang bodyguards na dala ang kan’yang mga maleta. Pinindot ng guwardiya ang pulang button sa may gawing kaliwa ng pintuan. Naghintay sila ng ilang minuto bago bumukas ang pinto. “Come inside, ma’am,” sabi ng guwardiya. Pumasok naman siya at lumingon sa kaliwa kung saan ay namataan niya si Yoshin na nakaupo sa harap ng lamesa. May kausap ito na lalaking kaharap nito at nakadikuwatro. Nabaling sa kan’ya ang atensiyon ng dalawang lalaki. Nakasuot ng itim na suit ang isang lalaki, obvious na Italian din, medyo maputi lang ang kutis at guwapo. “Good evening!” bati niya. Iniwan na siya roon ng bodyguards matapos maipasok ang kan’yang mga maleta. “Who is she?” kunot-noong tanong ng isang lalaki kay Yoshin. “She’s Kurisma,” tugon naman ni Yoshin. Uminit na ang ulo niya dahil sa ipinipilit ni Yoshin na pangalan niya. “He’s wrong! My name was Krisanta Sta. Anna, AKA Maya!” gigil niyang pagtatama sa pangalan. Ilang sandaling tumitig sa kan’ya ang isang lalaki. Mayamaya ay bigla itong humagalpak ng tawa. Nagatungan pa ang init ng ulo niya at pinukol ng masamang titig ang lalaking tumawa. “What’s funny?” masungit niyang tanong habang nakapamaywang. “Uh, nothing. I’m sorry, Maya. Please don’t get mad,” sabi ng lalaki. Tumayo na ito at inalok sa kan’ya ang silyang inalisan nito. “Please sit here.” Lumapit naman siya at umupo sa silyang kaharap ni Yoshin. “Thank you,” aniya. “Anyway, I’m Vladimir, Yoshin’s friend,” pakilala ng lalaki. Inilahad nito ang kanang kamay sa kan’ya. Ang tagal niyang kumilos. Kung kailan kakamayan na niya si Vladimir ay saka nito inilayo ang kamay. Umupo na ito sa couch malapit sa glass window. Napairap siya rito dahil sa inis. “Are those your things?” pagkuwan ay tanong ni Yoshin. Itinuro nito ng ballpen ang naiwang mga maleta niya sa gilid ng pintuan. Iniwan din niya roon ang kan’yang backpack at shoulder bag na pula lang ang sukbit niya sa katawan. “Yes,” tipid niyang turan. "What's inside those suitcases? Open them. I’ll check them.” Napamulagat siya ng mga mata. “For what? I have personal belongings in there where not allowed to expose to a guy!” “Do it!” maotoridad nitong sabi. Marahas siyang tumayo. “P*tang*nang ‘to talaga!” Malutong siyang nagmura. Nilapitan niya ang kan’yang mga gamit at hinila palapit kay Yoshin. “Wait, is she a Filipina?” tanong ni Vladimir. “Yeah,” ani Yoshin. “Really?” Tumawa pa si Vladimir. “I thought she was a Thai. May kamukha siyang kilala ko sa Bangkok.” Nagulat si Maya nang bigla ring mag-Tagalog si Vladimir. Napalingon siya rito. “Can you speak Tagalog, too?” mangha niyang untag. “Of course. I also live in the Philippines. My mom was there, and she’s a Filipina. I also had a brother. Marami na ako alam na Tagalog. I also eat Filipino food like lumapia at saka ‘yong parang lumpia but the filling was a banana.” “Ah, turon!” aniya. Napawi ang kan’yang inis dahil may lahing pinoy rin si Vladimir. Mas magaling itong mag-Tagalog kaysa kay Yoshin. “Yeah, that’s right. Can you cook turon or lumpia?” “Oo naman!” “That’s enough!” apela naman ni Yoshin. “Open your suitcase, Kurisma!” Pinukol niya ng masamang titig si Yoshin. “Sabing Maya ang pangalan ko! Kurisma ka nang Kurisma! Sino ba ‘yon?” inis niyang sabi. “My mom called my babysitter by that name, meaning a Filipina.” “Eh, sira ka pala, eh! Kurisma was a kind of name for others. But in some other terms, we had Kuwarisma, it’s a traditional month of reminiscing God’s sacrifices. Basta iyong pag-aayuno.” “Whatever. Just show me your stuff,” ani Yoshin. Inilapit niya rito ang dalawang maleta at binuksan. Maging ang backpack niya ay pinabuksan nito. Tumayo pa ito at kinalkal ang gamit niya. Iritang-irita siya rito nang makitang binukatkat nito pati panties niya. “That’s too much! You touched my underwear!” reklamo niya sabay agaw ng panty mula sa kamay nito. “I even touched your p*ssy. So what is wrong with touching your underwear?” walang gatol na sabi ni Yoshin. Nawindang siya sa boldness nito. Pati si Vladimir ay napatayo, gulat na gulat sa sinabi ni Yoshin. “What did you say, Yosh? You touched what?” ani Vladimir. Uulitin pa sana ni Yoshin ang sinabi nito pero maagap niyang tinakpan ng kamay niya’ng may hawak na panty ang bibig nito. Natabing naman nito ang kamay niya. “What the hell!” asik nito. “You’re too vulgar! Tama bang ipalandakan mo sa kaibigan mo ang ginawa mo sa akin? You shut up!” Dinuro niya ito sa mukha. “And you stop nagging at me, lady! I’m your boss!” “I don’t care! You are abusing my privacy!” Namaywang na siya. “What privacy?” Kumunot pa ang noo nito. “These!” Itinuro niya ng laman ng kan’yang maleta. “You shall not touch women’s personal belongings like my undies! It’s private! You should respect women!” Napabuga ng hangin si Yoshin. “I already marked you; that means you’re mine. I can touch you whenever I want.” Nagimbal siya sa sinabi nito. “What? Are you crazy? I’m here for the job, not to be your s*x slave, as*hole!” Nasaksihan niya ang pag-igting ng panga ni Yoshin at biglang nanlisik ang mga mata nito sa kan’ya. To the rescue naman si Vladimir at namagitan sa kanila. Hinatak siya nito palayo kay Yoshin. “Wait, Maya. Calm down,” ani Vladimir. “How can I calm? Your friend was abusing me!” gigil pa ring sabi niya. “Hey! Listen to me. Huwag kang magsalita nang masama kay Yoshin, lalo na ang murahin siya in English na maintindihan niya. He hates the word ‘as*hole’. Kung lalaki ka at tauhan niya tapos sinabihan mo siya ng gano’n, baka bigla ka niyang pugutan ng ulo. Be careful with your actions, too. Yoshin has a temper, and when he’s mad, he loses control of his anger. He has the worst anger issue, so please control your temper, too. Since you are here for a job, act according to your position.” Natigilan siya at tulalang nakatitig kay Vladimir. Mayamaya rin ay bigla siyang kinilabutan nang maalala na mafia boss pala ang kaharap niya. Kailangan niya ng pera kaya siya naroon. Baka imbes na makatulong sa pamilya ay hindi siya makauwi nang buhay sa Pilipinas. Dagdag problema at pasakit pa ‘yon sa pamilya niya. “Sorry. I’m just offended,” mahinahon nang sabi niya. Binalikan din niya si Yoshin. “I’m sorry. I just lost control of my emotion,” sabi niya sa binata. “Take your stuff off from my eyes!” ani Yoshin sa matigas na tinig. Tumalima naman siya at iniligpit ang kan’yang gamit. Lumuklok siya sa couch katabi ni Vladimir at doon inayos ang laman ng maleta. Mayamaya ay may pumasok na lalaki, mukhang may lahing pinoy. “Lord, the A forces arrived with the ex-silver badge members!” batid ng lalaki. Umigting na naman ang panga ni Yoshin. Lumapit ito sa salaming estante at may kinuha, isang espada at isang kalibre kuwarenta y singko. Wala itong imik na naglakad palabas ng silid kasunod ng lalaking nagbalita. Kumabog ang dibdib ni Maya at biglang nataranta. May ingay kasi sa labas, tila nag-iiyakang tao. “Stay here, Maya,” sabi ni Vladimir. Tumayo na rin ito at lumabas. Minadali niya ang pag-aayos ng gamit at isinara ang mga maleta. Lalong umingay sa labas kaya napasilip siya sa salaming bintana. Nanlaki ang kan’yang mga mata nang mamataan ang anim na kalalakihang nakaluhod sa lupa at nakagapos sa likuran ang mga kamay. Duguan na ang mukha ng mga ito. Mayamaya ay lumapit si Yoshin sa anim na lalaki. Nagsalita ito ng Italian kaya hindi niya maintindihan. Basic lang ang alam niya at kung diretso na ang salita ay nalilito siya. Ilang sandali pa ang nakalipas ay napansin niya na pinatayo ni Yoshin ang lalaking nasa gitna at pilit pinasasalita. Nakataas na ang boses ni Yoshin habang hawak ang espada. Pagkuwan ay umatras ito may isang dipa ang agwat sa lalaking nakatayo at nagmamakaawa. Sa isang iglap ay nahagip ng espada ni Yoshin ang ulo ng lalaki. Napatili siya nang masaksihang tumalsik ang ulo ng lalaki sa lupa at sumirit ang dugo mula sa leeg nitong naputol. Bumulagta sa sahig ang naiwang katawan ng lalaki. Ang natirang apat na lalaki ay isa-isang binaril ni Yoshin sa noo. Muli siyang napatili. “Diyos ko! Tao pa ba itong napuntahan kong amo?” nanginginig niyang usal habang nagsa-sign of the cross nang paulit-ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD