NANGINGINIG pa rin si Maya at hindi maalis ang kan’yang kukoti ang senaryong nasaksihan. Nakakita na siya ng mga taong pinatay pero iba itong si Yoshin. Wala itong awa! Biglang nagbago ang isip niya at nagpasya na huwag nang tanggapin ang trabahong alok nito.
Naisip niyang tatakas ngunit biglang bumalik si Yoshin kasunod si Vladimir. Napaupo siya sa sofa at pilit itinago ang takot at pinakalma ang panginginig ng katawan. Nagkunwari siyang walang nakita.
Parang walang nangyari at kalmadong umupo sa harap ng lamesa si Yoshin. Bago na ang damit nito, itim na long sleeve polo, malinis, walang mantsa ng dugo maging sa mga kamay nito. Pero alam niya na kahit malinis itong tingnan, may mantsa na ng dugo ang mga palad nito.
“Prepare yourself, Maya. We will leave later,” sabi ni Yoshin. Sa wakas ay tinawag din siya nito sa tamang palayaw.
Ginupo na siya ng kaba nang mawalan ng pagkakataong makatakas. Hindi siya makahugot ng lakas upang kausapin ang binata. Ni ayaw bumuka ng bibig niya dahil sa trauma. Kumislot siya nang umupo sa tabi niya si Vladimir. Nagulat siya nang saglit nitong hinawakan ang kan’yang kamay.
Napatitig siya kay Vladimir.
Nakangiti ito. “Don’t worry. Yoshin will not harm you unless you push his limit. Be good to him,” pabulong nitong sabi.
Alam marahil ni Vladimir na nakita niya kung ano ang ginawa ni Yoshin. Hinintay niya na makapasok ng banyo si Yoshin. Nagkaroon din siya ng lakas ng loob na magsalita.
“T-Tulungan mo’ko, Vladimir. Gusto ko na umuwi. Ayaw ko rito,” samo niya.
Napahilot sa sintido nito si Vladimir. “I can’t do that. You agreed to come here, so you only need to do was to accept your decision.”
“Pero hindi ko alam na ganito si Yoshin. Baka kung mainit ang ulo niya ay pugutan niya ako ng ulo.”
Mahinang tumawa si Yoshin. “I didn’t see that coming. I noticed how Yoshin talked to you earlier, and I know he can’t harm you. Isa pa, he invited you to be here. Meaning he needs something from you. Yoshin never committed women nor touched a woman. He hates women who can’t relate to his lifestyle or hates his guts, too. But he cares for women who care for him, too, like his mother and his babysitter, his grandmother. Those three women were the only ones accepted in his life. Once you treat him nice, you will get good benefits.”
Kahit anong sabihin ni Vladimir ay hindi pa rin siya komportable. Naunahan na siya ng takot at hindi na sigurado kung magtatagal siya kay Yoshin. Tumahimik na sila nang lumabas ng banyo si Yoshin.
“Vlad, sign this paper before leaving,” ani Yoshin. May binuklat itong folder.
Lumapit naman dito si Vladimir at tiningnan ang papeles. Nag-usap pa ang mga ito sa Italian language.
Panay ang buntonghininga ni Maya. Lumala ang kaba niya nang malamang aalis na si Vladimir. Naisip niyang sumama na rito pero nawalan na siya ng pagkakataong makausap ito. Nakaalis na ito kaya naiwan silang dalawa in Yoshin sa silid.
Hindi siya mapakali sa sofa at nanginginig pa rin ang kan’yang mga kamay.
“Come here, Maya,” ani Yoshin. Nakaupo na ito sa harap ng lamesa at may binuksan ulit na folder.
Tumayo naman siya at lumapit dito. Tanggal angas niya sa nakitang kalupitan ni Yoshin. Umupo siya sa katapat nitong silya at napatingin sa inilapit nitong papeles na may kasamang ballpen.
“What is this?” balisang tanong niya.
“Employment contract,” turan nito.
Napamulagat siya. “Do I need to sign the contract?”
“Of course, for legality.”
“What if I will refuse the job?”
Matiim na tumitig sa kan’ya si Yoshin. Kung tumitig pa naman ito ay wari tigreng nagutuman at gustong manunggab.
“You agreed to work with me, right? Since you enter my territory, there’s no turning back.”
Nakahugot din siya ng lakas ng loob na lumaban. “I agreed, but the deal wasn’t close yet. If I refuse to sign the contract, I can decide if I will leave or not,” palabang sabi niya.
“Working without an employment contract was illegal here. You still had two years contract with your previous boss, but since I’m the new boss, I can decide if I change your contract or void it. If you want to leave without finishing your contract, you need to pay me sixty thousand US dollars. It's based on your previous contract. You have to finish the remaining two years before leaving this country.”
Nawindang siya at naalala ang pinirmahan niyang kontrata sa dati niyang amo. May dalawang taon mahigit pa siyang pupunuin.
“I understand. But what about the new contract?” aniya.
“I just changed your job description and the salary rate. My lawyer made this contract for your new job. I applied for your remaining two years and three months here, and you need to finish this by working with me.”
Kinuha naman niya ang papeles at binasa nang maayos. Nanlaki ang mga mata niya sa monthly salary. Close to ten thousand US dollars na ang suweldo niya, doble sa dati niyang suweldo. Pero matagal pa ang dalawang taon. Mapagtitiyagaan kaya niya si Yoshin?
“But tell me more about my job. It’s stated in the contract that I am your entertainer, housemaid, what else?” aniya.
Walang kurap na tumitig sa kan’ya si Yoshin. “Entertain me depending on my mood.”
Napangiwi siya. “Ang labo mo. Paano kung gigil kang pumatay, paano kita aaliwin?”
“What? In English, please.”
“I mean, how can I entertain you while you’re eager to kill?”
“I don’t get you. Just entertain me the way you can end the discussion! Just sign the contract, lady!”
Napairap siya sa binata. Binasa niyang muli ang kontrata. No choice na siya kundi tapusin ang nalalabing dalawang taon mahigit. Nang makontento sa nakasulat sa kontrata ay pinirmahan din niya ito. Mapagtitiyagaan naman siguro niya si Yoshin basta huwag lang siya nitong saktan.
“I’ll make it clear. I will do the job listed in the contract. If you ask something out of the contract, you need to pay me extra charges,” paniniguro niya nang maibalik ang papeles kay Yoshin.
“Like what?” kunot-noong tanong nito.
“Like a job not related to my obligation. I only need to do the housemaid job and to entertain you, right? And take note. Entertainment was about making you happy or beating your boredom. I will dance and sing in front of you, so I need a musical instrument or a karaoke set.”
Mariing kumunot ng noo ng binata. “Just write a list of the stuff you need.” Nagligpit na ito ng gamit. “Get your stuff, and we will leave now,” anito saka tumayo.
Napatayo naman siya at hindi malaman kung paano bitbitin lahat ng gamit. Napansin niya si Yoshin na mabilis kumilos at bitbit na ang itim na handbag. Aalis na sana ito.
“Wait!” pigil niya.
Huminto naman ito at lumingon sa kan’ya. “Hurry up!” atat nitong sabi.
“Hurry up ka riyan! Tulungan mo naman ako rito! I can’t carry all of my suitcases!”
“What? Are you commanding me? Who’s the boss here?”
Matabang siyang ngumiti at lumabi. “You’re the boss. But I can’t move without my stuff,” aniya.
Napailing si Yoshin at binuksan ang pinto. May tinawag ito mula sa labas. Mayamaya ay may pumasok na dalawang lalaki.
“Carry her suitcases,” utos ni Yoshin sa dalawang lalaki.
“Yes, sir!” panabay na tugon ng dalawa saka tumalima.
Napangiti si Maya nang kunin ng dalawang lalaki ang mga maleta niya. Pagkuwan ay sumunod na siya kay Yoshin na malalaki ang hakbang. Kung kailan pababa na sila sa escalator ay bigla itong huminto. Napabuwelo ang lakad niya at hindi kaagad nakahinto kaya sumubsob siya sa matigas na likod ng binata.
“Aray!” daing niya nang masaktan ang ilong.
“What the--!” angal naman ni Yoshin, kamuntik pa itong mahulog sa escalator mabuti napakapit sa hamba.
Dagli naman siyang umatras. “Sorry. You stopped without warning,” aniya.
“Don’t get close to me, lady! Keep a distance!” asik nito.
Umatras naman siya. “May distance naman, eh.”
“What?”
“Nothing. Just go ahead!” Itinuro niya ang umaandar na escalator.
Humakbang naman si Yoshin. Hinintay niya itong makalayo bago sumunod. Nakasunod din sa kanila ang dalawang lalaking may bitbit sa mga maleta niya. Pagdating sa labas ng gusali ay nakaabang na ang limousine. Ito ang sinakyan nila noon mula sa bar.
Kasama pa rin siya ni Yoshin sa gitna ng sasakyan at magkatapat ang upuan. Tuwid siyang umupo habang pasimpleng pinagmamasdan ang binata na nakadikuwatro at nakatutok sa cellphone. Ang una niyang napansin ay ang diamond ring nito na may lumang desinyo, prang sa Lord of The Ring movie. Maganda rin ang relo nito, mukha ring antique at obvious na mamahalin.
Wala na itong ibang alahas maliban sa relo at singsing. In fairness, ang linis ng mga kuko nito sa kamay. Moreno si Yoshin pero makinis ang kutis, marami nga lang tattoo pero hindi halata ang iba sa braso dahil mabalbon. Nakita na niya ang hubad nitong katawan na maraming tattoo.
Kumislot siya nang mahuli siya nitong nakatingin. Nagkunwari siyang nangangalay ang leeg at kan’yang hinilot. Sinulyapan din niya ulit ang binata nang bumawi ng tingin. Habang pinagmamasdan niya ito ay muli niyang naisip ang ginawa nito sa anim na lalaki. Kinilabutan siya at bumalik ang takot sa binata.
Ilang minuto pa ang biyahe bago nila narating ang mismong bahay ni Yoshin, na siyang napuntahan niya noon. Napamulagat pa siya nang muling makita ang bahay. Noon ay inakala niya na two-story house ito dahil mataas at may partition pero sadyang mataas lang ang mga pader at lupang tinirikan. Bongalow lang pala ito pero malawak at halos tainted glass ang dingding. Makikita lang sa loob ng bahay kung gabi at nakabukas ang ilaw sa loob.
Nauna nang bumaba si Yoshin. Kaagad siyang sumunod dito at pinaubaya sa guwardiya ang mga maleta niya. Hindi pa sila pumasok ng bahay dahil tinipon ni Yoshin ang mga tao roon. Pinakilala siya nito bilang housemaid nito.
“Her name was Kurisma,” pakilala nito sa pangalan niya.
Uminit na ang bunbunan niya. “No! My name was Maya!” pagtatama niya.
Hindi naman kumontra si Yoshin. Sinulyapan lang siya nito nang mahayap na tingin saka lumisan. Pumasok na ito ng bahay. Sensor ang glass door ng bahay pero hindi siya pinagbuksan.
“Uy! Paano ako papasok?” maktol niya. Kinatok niya ang pinto.
Bumalik din si Yoshin. May pinindot ito sa maliit at kuwadradong machine sa gawing kaliwa ng pintuan.
“Come here,” tawag nito.
Lumapit naman siya rito. “What to do?”
“Stand in front of the machine and blink your eyes; don’t smile.”
Sinunod naman niya ito. Tumingin siya sa screen ng machine na merong face scanner. Ilang segundo lang ang tinanggap ang mukha niya pero may lumabas na registration form sa screen at kailangan niyang mag-fill up. Touch screen ito kaya nagtipa siya ng pangalan. May biometric pang kailangan, fingerprint, palm print, maging pirma ay kailangan.
Naghintay sila na maging successful ang registration niya bago siya iniwan ni Yoshin. Nang tumayo siya sa tapat ng pinto ay bumukas na ito. Ibig sabihin ay registered na siya at may permisong makapasok sa bahay. Isinunod naman ng guwardiya ang mga maleta niya sa loob.
Hindi na niya makita si Yoshin kaya nanatili siya sa malawak na lobby. Sa lawak ng area ay puwede na siyang rumampa roon at sumayaw. Meron namang sala set doon pero nasa gilid ng glass wall na overlooking ang garden at swimming pool sa labas. Merong shelves sa gilid ng sala set at piano, may kung anong rebulto pa roon ng tila deer.
Lumapit siya sa piano at pinagmamasdan ito. Maaring mahilig din sa music si Yoshin. Marunong naman siyang gumamit ng piano, gitara, at saka violin. Nag-enrol siya sa music class noong elementary at high school. Sponsor naman ng teacher nila ang gastos. Marami siyang natanggap na suporta noong nadiskubre na marunong siyang kumanta.
Graduate siya ng hotel and restaurant services na dalawang taon, pero nag-aral pa siya ng bartending at kung anong short courses. Kahit papano ay napakinabangan niya ang tinapos. Sa music pa rin talaga ang passion niya. Natutukso siyang pumindot sa piano ngunit biglang lumabas si Yoshin. Tanging abuhing tuwalya lang ang sapin nito sa ibabang katawan.
“Follow me, Maya,” sabi nito. Tumama rin ulit ang pangalan niya.
Dagli siyang sumunod dito hila-hila ang isang maleta niya. Iginiya siya nito sa silid malapit sa malawak na kusina. Medyo malayo ito sa kuwartong pinasukan nila noon na merong indoor swimming pool.
“This is your room,” sabi nito nang mabuksan ang pinto ng silid.
Pumasok naman siya at namangha nang makita ang loob ng kuwarto. Ang luwag nito, may king size na kama, may mini lobby, with own bathroom and toilet. May air-con din sa loob, TV, at ibang gamit.
“Wow! Parang luxury hotel suit, ah!” manghang usal niya.
“Put all your stuff here, and we will proceed to the kitchen,” sabi nito.
Lumingon siya kay Yoshin. Saka lang niya naalala na hindi pa siya naghahapunan. Spaghetti lang ang kinain niya bago magtungo sa bar. May libreng pagkain naman kasi sila sa bar.
“Do I need to cook now?” tanong niya.
“Yes. I’m hungry. I’ll give you the recipe to follow, and the ingredients were in the kitchen.”
Ginupo na siya ng kaba. Hindi pa niya kabisado ang ibang recipe ng Italian pero makapag-adjust naman siya. Marami na siyang alam na basic cooking technique.
“Wait. Kunin ko muna ang maleta kong isa sa salas.” Tumakbo siya palabas ng silid ngunit bigla ring napaatras nang salubungin siya ng malaking aso na abuhin pero may halong itim at puti ang balahibo. “P*tang*na! May aso!” sigaw niya.