NANGINGINIG ng kalaman ni Maya at ilang sandali bago siya nakahugot ng lakas ng loob na lingunin ang lalaking nakaluhod. Naibsan ang kan’yang kaba nang mapansing buhay pa ang lalaki. Umiiyak na ito. Katabi nito ang lalaking nakadapa, wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo. “Sorry, boss. I was forced to betray you for the sake of my daughter. They will kill her if I don’t follow them. I didn’t mean it,” samo ng lalaki. Hinawakan ni Maya ang kanang kamay ni Yoshin na may hawak sa baril. Kinuha niya ang baril at ibinigay sa isang agent. Saka naman niya muling hinarap si Yoshin. “If you kill people, you will lose everything. No one will love you, even animals, because you’re heartless! God gives us a heart to hear other people’s hearts and to understand them. What is the value of your