ILANG sandaling tulala si Maya at hindi matanggap ng sistema niya ang balita ni Boyet. Nangatal ang kan’yang kalaman dahil sa labis na emosyon. Nagbukas pa siya ng video call kay Boyet para lang kumpirmahin ang sinabi nito. Ngunit hindi sumagot si Boyet pero nag-reply sa mensahe niya at nag-send ng larawan ng kan’yang ama na wala nang buhay. Bumulahaw siya ng iyak dahil sa pagsabog ng kan’yang emosyon. Napaluklok siya sa sahig at sumabunot ang mga kamay sa kobre kama. Isinigaw niya ang kan’yang hinagpis dahil tila sasabog ang puso niya sa sobrang bigat at kirot. Dinagdagan pa ni Boyet ang balita na inatake ulit sa puso ang nanay niya at comatose na sa ospital. “Lord, bakit gano’n? Hindi n’yo muna ako pinauwi para makita si Tatay,” nagpupuyos niyang saad. Halos mamingi na siya dahil sa l