NATARANTA na si Maya at hindi malaman ang gagawin. Nilamon na siya ng takot baka kung ano ang gawin ni Yoshin sa pamilya niya. “Nariyan pa ba sila, Boyet?” tanong niya sa kapatid, nasa kabilang linya. “Umalis na pero babalik daw bukas. Punta ka muna rito, Ate, baka idemanda ka ng boss mo. Hindi ko sila pinapasok sa bahay baka magtaka si Nanay. Pinaalis na nga sila ng pulis kaso kinausap ako, ayon nga, ikaw pala ang may atraso, eh.” “Ano, ‘wag mong sabihin kay Nanay, ah? At kung babalik ‘yong lalaki, sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako nagtatrabaho.” “Eh, magpakita ka kasi baka ipakulong ka niya.” “Ako’ng bahala! Sige na. May trabaho pa ako,” aniya. Pinutol na niya ang linya. “Nasa inyo raw si Yoshin?” tanong ni Vladimir. “Oo, bumalik siya.” “Harapin mo muna siya, Maya. You nee