Chapter 8

2546 Words
BINAGALAN ni Maya ang pagbibihis dahil iniisip niya na naliligo pa si Yoshin. Pero mayamaya ay may kumatok na sa pinto ng kan’yang kuwarto kasunod ng tinig ni Yoshin. “Maya! Let’s go!” anito. “Luh! Wait!” sigaw niya. Pinaspasan na niya ang pagsusuot ng pulang blouse. Hindi na niya nasuklay nang maayos ang kan’yang buhok. Nag-spray lang siya ng pabango sa damit at isinukbit na sa balikat ang itim niyang shoulder bag. Cellphone at konting pera lang naman ang laman nito. Pagkuwan ay lumabas na siya ng kuwarto. Nawindang siya nang makita si Yoshin na nakaayos na. Nakasuot ito ng itim na long-sleeve polo at itim ding denim pants. Nakasapatos pa ito. Ang tapang ng pabango nito, halos kumalat sa buong bahay. Ang bilis nitong kumilos kaya binilisan din niya ang paglalakad. Mabuti na lang hindi limousine ang sasakyang ginamit nila pero SUV naman na itim. Halos itim naman lahat ng sasakyan ni Yoshin. Apat ang nakita niya sa parking lot nito. Meron pa itong sports car at big bike. Type niya itong big bike na itim. Marunong naman siyang mag-drive ng motor wala nga lang lisensiya. Nakasilip siya sa bintana habang prenteng nakaupo sa tabi ni Yoshin. Nasa backseat sila ng kotse at tahimik lang ang binata, diretso ang tingin sa daan. Nagkandahaba ang leeg niya sa paghabol ng tingin sa magagandang bahay na nadaanan nila. Malayo sila sa highway at mukhang nasa executive village ang bahay ni Yoshin. May napansin siyang kakaibang bahay sa kaliwang bahagi ng daan kaya napalapit siya kay Yoshin para lang makita nang maayos ang mga bahay sa side nito. Saktong sumilip siya sa bintana katabi ni Yoshin ay biglang huminto ang kotse. Nawalan siya ng balanse at sumubsob ang kan’yang mukha sa bintana. “What the--!” bulalas ni Yoshin, napapiksi na. Nagulantang naman siya nang mamalayan na nakadakma ang isang kamay niya sa pagitan ng mga hita ni Yoshin. Kapang-kapa niya ang bumubukol nitong armas sa loob ng pants. Itinulak pa siya nito sa balikat kaya siya napaupo nang tuwid. “S-Sorry. The car suddenly stopped. Nawala tuloy ako sa balanse,” palusot niya. “Why do you need to look outside from side to side? You have your window on your side, too! You’re like a giraffe with a long neck!” asik nito. Ngumuso siya. “Giraffe talaga? Natutuwa lang ako sa mga bahay kasi ang gaganda. Is it prohibited to get amazed?” “I don’t care what you are looking at outside. Just sit properly!” “Yes, sir!” Umupo naman siya nang maayos pero hindi pa rin mapakali ang mga mata. Napapa-wow siya sa bawat bahay na nadadaanan nila dahil ang lalaki at kakaiba ang desinyo. Palabas na rin sila ng village. “Where are we going, Lord?” mayamaya ay tanong ng driver kay Yoshin. “In the mall,” tipid na tugon ni Yoshin. “Which mall, boss?” “The one with musical stuff and supermarket.” “Got it, boss!” Pumihit paharap si Maya kay Yoshin. Ginupo siya ng excitement nang maisip na bibili ito ng gamit niya sa pagkanta. “Are we going to buy musical instruments?” nagagalak niyang tanong. “You said you need a karaoke set, right? You can find them in the mall. You need to buy stuff for your performance, too.” Napangiwi siya. “I already have props used to perform.” “I will choose what you are going to wear.” Napamulagat siya. “Seryoso? Baka hindi bagay ang mapipili mong mga damit.” Sinulyapan lang siya ni Yoshin at hindi na kinausap. Tumingin ito sa labas, ni walang emosyong makikita sa mukha nito. “Lagi na lang siya poker face. Paano ako gaganahan mag-perform sa harap niya kung hindi siya marunong magsaya? Nakakawalang gana ‘yon, walang audience impact,” palatak niya. Namangha na naman siya nang makarating sila sa mall. May limang palapag ang mall at malawak. Na-miss niya tuloy ang sikat na mall sa Pilipinas kung saan siya madalas mamasyal noon at pinasa-sample sa pagkanta ng mga videoke set store. Sumunod siya kay Yoshin nang bumaba na ito. Sa bilis nitong maglakad ay ilang beses siyang naiiwan. May nakabuntot namang anim na bodyguards sa kanila na puro seryoso, naka-suit lahat. Naghanap sila ng karaoke set at sa third floor sila napadpad. Nagningning ang kan’yang mga mata nang makita ang naglalakihang sound system. “Choose what you need, Maya. Make it fast,” ani Yoshin. Tumayo lang ito sa gilid ng malaking TV na naka-play ang lyrics ng kanta pero walang kumakanta. Pumili na siya ng speaker na isang set na kasama ang microphone na wireless, dalawa. May lalaking staff namang nag-assist sa kan’ya. “Can we try this karaoke set?” tanong niya sa lalaki. “Yes, ma’am. You need to buy the songbook, too, and we can install it to the music player,” sabi ng lalaki. Tiningnan niya ang presyo ng isang set na speaker. Mahit three thousand euro ito. Iba pa ang presyo ng songbook. Kasama naman sa speaker ang microphone at music player. “We need them all. Can we try the item now?” aniya. “Yes, ma’am. I will connect the player to the television and speaker first.” Inasikaso naman ng lalaki ang kailangan niya. Lumapit na sa kan’ya si Yoshin at kulubot na naman ang noo. “What are you doing?” tanong nito. “We need to try the item first before buying them to ensure it’s working properly,” aniya. “That’s wasting our time.” “It’s just a minute. I will sing a short lyrics to test the speaker and microphone.” Hindi na kumibo si Yoshin at nakamasid din sa staff na pinaandar na ang music player na konektado sa speaker at telebisyon. Pumili na ng kanta si Maya, iyong kabisado niya at English. Napaindak na siya nang tumugtog ang slow rock music. Nang magsimula siyang kumanta ay wari bumagal ang oras at natitigilan ang mga tao, maging ang mga namimili sa labas ng store. Ang iba’y lumapit pa at kinukuhaan siya ng video habang kumakanta. Mga ignorante ang iba, bihira ata makakita ng actual singer. Saglit lang dapat siyang kakanta pero dahil hindi nagrereklamo si Yoshin, tinapos na niya ang isang kanta. May nanonood pang humirit ng isa pang kanta. Napatitig siya kay Yoshin na nakasandal sa malaking speaker at humalukipkip, diretso ang titig nito sa kan’ya. “Uh…. can I sing more?” tanong niya sa binata. “Go ahead,” sabi naman nito. Napapiksi naman siya sa kilig at nag-play ng isa pang kanta. English pa rin ang kinanta niya para makaintindi ang ibang nakikinig. Hindi naman pangbirit ang boses niya pero kaya niyang abutin ang high notes sa kanta ng American band na Bon Jovi. She sang the song perfectly with her naturally raspy voice. Nang matapos ang ikalawang kanta ay nagpalakpakana ng mga tao. Nagulat siya dahil pinalibutan na sila ng maraming tao na nakiusyoso. May matandang babae at lalaki pa na nagbigay sa kan’ya ng tig-one hundred euro dahil natuwa umano sa kan’ya. May humabol pang isang ginang. “Grazie!” pasasalamat niya sa wikang Italian. Pinuri siya ng isang ginang at niyakap kaya punong-puno ng galak ang kan’yang puso. Nakalikom siya ng three hundred euro kaya naman ay abot langit ang kan’yang tuwa. May pambili na siya ng bagong damit at maipadala sa kapatid niya ang dalawang daan. May pera siyang US dollar pero hindi tumatanggap ng gano’n ang ibang mall. Sa bar lang ni Yoshin may US dollar dahil marami itong American regular costumer. Binayaran na ni Yoshin ang karaoke set. Bumili pa ito ng disco light. Pagkuwan ay nagtungo naman sila sa garment section. Pumili siya ng underwear niya dahil iilan lang ang natira mula sa baon niya. Pinagkasya niya ang one hundred euro sa anim na pirasong panty at dalawang bra. Nagtataka siya bakit ang tagal ni Yoshin namimili sa puwesto ng underwear na pambabae. Nilapitan na niya ito. Talagang doon ito namili sa mga lingerie at pantyhose. Kumuha ito ng dalawang pantyhose na itim at dalawa ring lingerie na pula. “You look better with this underwear,” sabi ni Yoshin, inilapit pa nito sa dibdib niya ang hawak na underwear. Napakurap siya at windang na tumitig kay Yoshin. “For me, really?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Yes. Wear this when you perform in front of me. There are bras there, too.” Itinuro pa nito ang bra na merong mga lace. Napangiwi siya. “Why do I need to wear that too-revealing underwear?” nakapamaywang niyang tanong. “These are perfect for you. I saw this worn by those p*rn stars in the video.” Napamulagat siya. “Ano? Hoy! I’m an entertainer, not a p*rn star!” singhal niya rito. Dinuro pa niya ito sa mukha. “Some entertainers in the club also wear these.” “Those are sexy dancers! I can dance, but not a daring one! I’m a singer!” “Stop complaining, Maya. I will buy these, and you need to wear them tonight for your first performance.” Tumalikod na ito at inilagay sa cart ang napiling underwear. “Choose your bra here,” sabi pa nito. Nakangusong sumunod siya rito. Dumampot siya ng apat na bra na merong lace, itim at pula rin para terno sa lingerie at pantyhose na kinuha ni Yoshin. Iritang-irita siya rito. Panay ang maktol niya habang namimili ng skirt. “T*nginang ‘to talaga! Ginawa pa akong p*rn star! Maiihaw ko talaga ang bayag nitong l*ntik kong amo! Isusuot ko ang pantyhose at gigilingan ka sa harap. Tingnan ko lang kung hindi ka titigasan, g*go ka! B*wisit!” nanggagalaiting palatak niya. Mayamaya ay napalundag siya anng may kamay na dumakma sa isang pisngi ng kan’yang pang-upo. “Ay, g*go ka!” bulalas niya. Kaagad din siyang natigilan nang malamang si Yoshin ang dumakma sa kan’yang pang-upo. “You are cursing me behind my back, huh?” gigil nitong usal, diniinan pa ang pagpisil sa pang-upo niya. “I didn’t curse you! Ano ba! Bastos ‘to!” Tinapik niya ang kamay nito saka siya pumihit paharap dito. “I can hear you, and I know what g*go and b*wisit are,” umiigting ang panga na sabi nito. Walang kurap siyang tumitig sa mga mata nitong nanlilisik. “Not all curses mean talking sh*t to someone. It’s a sort of expression when someone gets emotional,” palusot niya naman. “Shut up! Once I hear you cuss in front of me again, I will bite your lips.” Bumuka ang kan’yang bibig ngunit hindi na siya nakapagsalita nang lapatan ni Yoshin ng dalawang daliri ang kan’yang bibig. Napalunok na lamang siya at sumunod dito. Una na nilang binayaran ang mga damit bago nagtungo sa grocery store Napadpad naman sila sa bilihan ng mga seafood at karne. Namangha siya sa naglalakihang alimango at hipon, meron ding may mga shell katulad ng tahong, kabebe. Aliw na aliw siya sa malaking tahong na bahagyang nakabuka. Na-miss niya ito, na madalas nilang hulihin sa tabing dagat noon sa Batangas. “Can we buy this tahong?” tanong niya sa amo. “What?” naguguluhang tanong nito. Inisip pa niya kung ano sa English ang tahong. “Uh…. I mean, the mussels!” aniya nang makaalala. “I don’t eat seafood,” anito. “Pero ako kumakain. You eat fish, too, right?” “Not all kinds of fish. Tuna and salmon are fine, and some other black-skinned fish without scale.” “Arte nito,” bulong niya. “But I want to eat mussels,” hirit niya. “Get them.” Tuwang-tuwa naman siya at kumuha ng anim na pirasong malalaking tahong. Iihawin niya ito. Kahit masungit ang kan’yang amo ay hindi naman ito madamot sa pagkain. Napunta naman sila sa mga sausage. Doon pala bumibili si Yoshin ng ga-braso kalaking Italian sausage. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa mga sausage. Iba na ang naglalaro sa isip niya, nahaluan na ng kahalayan. “Ang daming bayag ng kabayo!” tumatawang sabi niya habang namimili ng sausage. Kumislot siya nang bigla siyang sikuhin ni Yoshin. Napalingon naman siya rito. “Why?” maang niya. “Stop laughing alone. People will think you just came from the mental institution,” anito. Napairap siya sa binata. “Ang harsh nito. Masaya lang ang tao, pag-iisipan kaagad na baliw? Baka ikaw baliw, hindi marunong ngumiti.” “Stop talking. You’re annoying!” Itinikom naman niya ang kan’yang bibig at sumunod sa amo niya’ng mahilig sa sausage. Lumipat naman sila sa mga prutas at gulay. Mahilig sa malalaking kamatis si Yoshin, mga matubig na prutas. Kaya pala makinis ang kutis nito kahit moreno. Nagtataka siya bakit ang daming kinuha ni Yoshin na sweet corn, halos isang kahon na maliit para sa kamatis. “Bakit maraming corn?” usisa niya. “You will grill the corn like you did earlier. I want them with fish steak for lunch later,” anito. Abot tainga ang kan’yang ngiti nang mapagtanto na nagustuhan ni Yoshin ang inihaw na mais. Makalipas ang halos tatlong oras na pag-ikot sa mall ay umalis din sila. Dalawang oras na lang ay tanghalian na kaya diretso uwi na. Hindi tuloy nakapagpadala ng pera si Maya sa kan’yang kapatid. Wala pa siyang update kung ano na ang status ng pamilya niya sa Pilipinas. Hindi rin madalas mag-online sa social media si Boyet, ganoon din si Karla. Pagdating ng bahay ay inasikaso ni Maya ang iihawing ulo ng tuna na may kasamang dalawang hiwang laman. Gusto ni Yoshin na sa uling ito iihawin kasama ng limang pirasong mais. Inihaw na rin niya ang tahong. Malaki lang ang shell nito pero ang laman ay kalahati lang ng palad niya lalo nang maluto. Mabilis lang ding naluto ang tuna at ayaw ni Yoshin na overcook. Sa wakas ay wala siyang sinunog na pagkain ng kan’yang amo. Pagpasok niya ng bahay ay sinilip niya si Yoshin sa may lobby. Kinakabit na nito ang speaker sa may LCD TV na nasa dingding, sa tabi lang ng piano. Habang pinagmamasdan ang binata ay hindi niya maiwasang maawa rito. Yoshin’s life was boring for her. Maaring nararamdaman na rin ng binata ang lungkot at pagkabagot kaya naisip nitong dalhin siya roon. Pero paano ito sasaya kung ni konting ngiti ay hindi nito kayang gawin? “Maya!” tawag ni Yoshin. Kumislot siya at napatakbo patungo sa amo. “Yes po?” “Do you know how to install the music player?” tanong nito. Nawindang siya. Ang dali lang magkabit ng player sa speaker at TV. “Don’t tell me you never do this.” “No. I never use a music player. I prefer to hear musical instruments from the musician.” “Weird. Baka wala kang alam na kanta. Pero meron kang songbook for piano, ah.” Inayos na niya ang player. “The book was made by my relative on the mother's side. Those songs included in the book were original compositions.” Natigilan siya at sinipat si Yoshin. Ang ibig nitong sabihin ay pamilya ng musician ang mother side nito. It makes sense why there is a piano there. Maybe Yoshin loves music, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD