MAG-UUMAGA na nakatulog si Maya dahil nag-ayos pa siya ng kan’yang gamit. Paglabas niya ng kuwarto ay nanuot sa kan’yang ilong ang mabangong niluluto mula sa kusina. Nataranta siya nang maisip na gising na si Yoshin at nagluluto.
Tumakbo siya sa kusina at nadatnan ang binata na may niluluto sa kawali. Itim na shorts lang ang suot nito at itim na apron. Napako ang kan’yang mga paa sa sahig habang nakatitig sa kaniyang amo na pinagpala ng kakisigan. Sa tuwing gagalaw ang mga braso nito ay naggagalawan din ang muscles nito sa likod at bicep.
Napapakagat siya sa kan’yang ibabang labi at nai-imagine na naman ang hubad na katawan ng kan’yang amo. Nagsisimula na siyang malibang sa mahalay na imahenasyon nang biglang magsalita ang binata.
“Don’t just stand there, lady! Moves and prepare the breakfast!” sabi nito pero hindi siya sinipat.
“Uh, g-good morning, sir! Sorry, I woke up late,” aniya.
Tuluyan siyang lumapit dito at pasimpleng sinilip ang niluluto nito sa kawali. Scrambled eggs lang naman ito na merong kamatis at butter, may herbs din kaya mabango.
“What I’m going to cook, sir?” tanong niya.
“Check the sausage if it is soft already.” Itinuro nito ang malaking Italian sausage na nasa plato sa may gilid ng lababo.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sausage. Mas malaki ito sa karaniwang nakikita niya sa supermarket.
“Areh, kalaking sausage naman areh!” natatawang sabi niya.
“What?” ani Yoshin, nakakunot na naman ang noo.
“I mean, the sausage was too big than the usual I saw in the supermarket. It looks like a man’s pet, your pet!” walang gatol niyang sabi. Inalisan na niya ng plastic na balot nito ang sausage na nagkurteng letrang C.
“Don’t make fun of the food.”
“Sorry. Ano’ng luto pala nito?”
“Lutow?” anito.
Napabunghalit siya nang tawa dahil sa sinabi nito, pina-slang ang luto. “Yes yow! Do you know what luto is?”
“I know, it’s to cook something.”
“Ayon! I ask you how to cook this dambuhalang sausage.”
“Just cook that in the charcoal grill outside.”
Napangiwi siya. “Sausage iihawin?” amuse niyang saad.
“Are you complaining?” may iritasyon nitong untag.
“Uh, no, sir! I will grill this giant bayag ng kabayo!” Tatawa-tawang nagtungo siya sa extension ng kusina dala ang sausage. “T*nginang sausage ‘to, iihawin. May sayad ata ang boss ko,” sabi niya nang makalabas ng kusina. Doon siya tumawa nang malakas.
Nagpadingas na siya ng uling sa grill. Mabilis umapoy ang uling dahil merong blower na naa-adjust ang lakas. Malambot na ang sausage at nang ituwid niya ay kasing haba ng kan’yang braso, magkasing taba rin. Brown ang kulay nito na may konting pamumula. Aliw na aliw siya rito habang inuulos sa kan’yang kamay.
“Gage, parang naka-handjob ako ng ano ng hegante, ah. Kay laki naman nitow!” aniya habang nilalaro ang sausage. Nabahiran na ng kahalayan ang kan’yang utak.
Sumasayaw siya at kumakanta sa harap ng ihawan nang biglang lumabas si Yoshin. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ito.
“Don’t burn the sausage,” sabi nito.
“Ah, hindi naman. I slit some part of the sausage to cook the meat inside,” nakangiting sabi niya.
“Stop playing. Focus on your job.” Muli ring pumasok ng kusina si Yoshin.
“Opo, boss,” nakangusong wika niya kung kailan wala na ang kan’yang amo.
Makalipas ang ilang minuto ay namataan na niya si Yoshin sa labas, kinausap ang gumagalang guwardiya. Shorts na lang ang suot nito. Ang aga-aga’y may suot itong sunglasses. Mababa pa naman ang araw. Nakasilip siya sa screen at sinusundan ng tingin kung saan pupunta si Yoshin. Nakabuntot dito si Cocoro.
“Sayang. Pogi at hot ka sana kaso ang lupit mo, eh. You’re not an ideal man. Pero baka magbago ka pa at ma-in love sa akin. Nako! Umaambisyon ang lola n’yo. Gustong mapakain madalas ng jumbo Italian sausage!” Humagikgik siya.
Kakasilip niya sa kan’yang amo na rumarampa sa labas ay nangamoy sunog na ang kan’yang iniihaw.
“Ay! Ayan sunog ka na namang bayag ka!” Tili niya. Dahil sa pagkataranta ay kinamay niya ang sausage at binaliktad. “Put-- aahh!” sigaw niya nang maramdaman ang pagkapaso ng mga dalili.
Nabitawan tuloy niya ang sausage at nahulog sa sahig. Walang tigil siya sa pagmumura at kumuha na ng tong, dinampot ang sausage. Ibinalik niya ito sa grill.
Mayamaya ay may kumalampag sa pinto ng grill house. May exit door pala roon, akala niya design lang na parang pinto. Namataan niya si Yoshin na sumilip sa screen na dingding.
“What happened?” tanong nito.
“Uh, nothing,” mabilis niyang sagot.
“You burned the sausage?”
“Huh? Ah, half-burned.” Ngumisi siya.
Napasintido si Yoshin. “I’m afraid to leave you here. One day, you will burn my house, too. Do your job seriously, Maya!”
Matabang siyang ngumiti. “Yes po.”
Lumayo na si Yoshin at lumapit sa guard house. Nag-focus na lamang siya sa ginagawa. Nang maluto ang sausage ay nag-ihaw naman siya ng mais na nakuha niya sa ref. Sweet corn ito at malaki, mataba.
Sumilip siya ulit sa labas ngunit hindi na niya makita si Yoshin. Kumislot siya nang bumukas ang pinto at sumilip si Yoshin.
“Are you done?” tanong nito sa matigas na tinig. May suot na itong itim na kamesita.
“Ah, done na ang sausage,” aniya.
“And what are you grilling?” Tuluyan itong lumapit sa grill.
“Ano, corn!”
Nangunot na ang noo ng binata. Inamoy nito ang mais. “Give me that. I want to try,” sabi nito.
“Okay. Luto na ‘to.” Hinango na niya ang mais.
Sumunod siya kay Yoshin papasok ng kusina dala ang plato ng sausage at mais. Pinahiwa pa nito nang manipis ang sausage at pabilog. Dahil isa lang ang mais, hinati niya ito sa gitna.
“Let’s put some butter on the corn. It’s delicious!” aniya.
Inayos pa niya sa plato ang pagkain ni Yoshin, kasama ang scrambles eggs na niluto nito at brown bread na dalawang hiwa. Isinama na niya rito ang kalahating inihaw na mais na pinahiran niya ng butter.
Pagkuwan ay dinala na ni Yoshin ang pagkain nito sa dining. Pansin niya na hindi nagpapasalamat si Yoshin, hindi rin nagpi-please. He was bossy to the highest level.
Marami na siyang naging amo at kahit anong yaman ay palaging nagpapasalamat at nakikiusap sa tuwing nag-uutos. Kakaiba itong si Yoshin. Parang manhid na wala itong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Mas madalas itong magalit, hindi ngumingiti, halos wala siyang makitang positive emotions sa mukha nito. Lalo tuloy siyang na-curious kung paano ba ito pinalaki ng magulang.
Ilang mafia boss na rin ang nakilala niya at nakapagtrabaho sa mga ito pero ang layo ng personality ni Yoshin. Ang dati niyang boss na mafia rin ay madalas tumawa, masayahin. Iyong kaibigan niyang si Craig, pilyo naman at marunong makibagay sa iba’t ibang uri ng tao.
Naisip din niya si Vladimir na kaibigan ni Yoshin, na malamang ay isa ring mafia. Seryoso at mukhang jerk si Vladimir pero marunong namang makisama at makiramdam. Sadyang may lahi atang iceman itong bago niyang amo, mas malamig pa sa yelo ang ugali pero bad*ss.
Sinilip niya si Yoshin sa may dining. Kumakain na ito. Napangiti siya nang mapansing pinapapak nito ang mais.
“Ayan, kainin mo, Boss. May orasyon ‘yang mais. Aamo ka sa akin, huh! Kala mo, ah,” nakangising bulong niya.
Inasikaso naman niya ang kan’yang almusal at ginaya ang set ng pagkain ni Yoshin, wala nga lang scrambled eggs. Inulam niya sa kanin ang sausage na nilagyan niya ng steak sauce.
Pagkatapos ng almusal ay inapura siya ni Yoshin na maligo dahil sasama umano siya sa palengke. Nasabik naman siyang maligo sa swimming pool.
“Ano, puwede ba akong maligo sa pool mo?” tanong niya sa binata nang lapitan niya ito sa lobby.
Nakasimangot itong humarap sa kan’ya. Maaring inuunawa pa nito ang sinabi niya. Makaintindin naman ito ng basic Tagalog pero minsan ayaw lang nitong ipilit.
“Don’t push me to speak in Tagalog,” anito.
“Eh, sabi mo marunong ka.”
“I understand, but if you talk fast, I need to analyze it or ask you to repeat the words. It’s been six years since my mother left and my nanny died. So, I haven’t had a chance to use the language more openly. I forgot some words, too.”
Natigilan siya. “Y-You don’t have a mother? Where is she?” usisa niya.
“It’s none of your business. Go ahead and take a bath!” supladong sabi nito. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa kuwarto.
Umangat ang sulok ng kan’yang mga labi. “Maligo ako sa pool mo, ah?” paalam niya.
“Not in my pool, lady!”
“Why not? Naligo na ako noon, ah. Kung ayaw mo, sa labas na ako maliligo.” Pumasok na siya sa kuwarto at kumuha ng tuwalya. Naghubad na rin siya ng damit at underwear ang naitira.
Lumabas siya ng bahay at sa backdoor dumaan, sa laundry area. May mga tauhan si Yoshin sa likod ng bahay at nag-uumpukan. May napansin siyang lalaki na Pinoy ang hilatsa ng mukha. Nakasunod ang tingin nito sa kan’ya.
“Good morning, boys! I will swim!” sabi niya. Dumaan lang siya sa harap ng kalalakihan. Binalot naman niya ng tuwalya ang kan’yang katawan.
Nang makarating sa Olympic swimming pool ay kaagad siyang nagtanggal ng tuwalya. May net sa itaas ng pool at naliligiran ng malalagong palm tree kaya hindi mainit. Itinubog niya sa tubig ang kan’yang kanang paa. Malamig ito.
Nagbilang siya ng tatlo bago tumalon sa tubig. Tumili pa siya bago lumubog sa tubig.
YOSHIN was about to dive into his indoor swimming pool, but his attention suddenly switched to Maya. He saw the woman driving on the pool outside. He stepped towards the glass wall and noticed his men going near the pool area and sneaking around. They were obviously fascinated with Maya’s appearance. Those fools!
He grabbed his phone on the bench and dialed Marlon’s number. Speaking of Marlon, naalala niya na half Filipino-Turkish si Marlon, and he’s good at speaking Tagalog. They were using the language when talking sometimes.
“Marlon, where are you?” tanong niya nang sagutin ni Marlon ang kan’yang tawag.
“Uh…. I’m here in the backyard, sir. I’m cutting the bamboo shoots to stop them from spreading near the pool area.”
“Would you call those id*ots who were sneaking around the pool? Tell them to focus on their jobs. Kurisma was there.”
“Ah, si Maya? Kinakausap niya ang bodyguards. She’s asking something.”
“That silly woman!” He eagerly clenched his jaws.
“Uh, would you mind me to ask, sir?” pagkuwan ay saad ni Marlon.
“What is it?” may iritasyong tanong niya.
“I’m curious why you brought a woman here. Is there something happened between you two?”
He was stunned. Marlon has been working with him since he was seventeen, and his mother was still there. Maybe Marlon was still aware of his family’s culture since he also had Turkish blood. And he felt panic when he realized that his actions seemed too obvious.
“I hired Maya as my housemaid and entertainer, nothing else,” he said.
“But you never hire a woman to work with you. I saw Maya with Mr. Mocoro in his headquarters before. She’s also working as a spy or informant. Maybe she was also working with other mafia organizations as her extra job.”
He was aware of Maya’s extra job with Mr. Mocoro but was unsure if she was really working with another mafia group. He has a personal reason to hire Maya to stay with him in his custody. It’s complicated, though.
“I know that she’s working as a spy, too. You live in the Philippines, right, Marlon? Maybe you are familiar with Maya’s surname. I want to know something about her family.”
“What is her real name, sir?”
“Kristana Sta. Anna.”
Ilang sandaling natahimik si Marlon. “Sta. Anna? I know someone with the same surname, but I’m unsure if he’s related to Maya. Maraming pareho ang surname sa Pilipinas na hindi blood-related. But if you ask me to research Maya’s background, I will work for it.”
“Do it, Marlon, but be careful. If someone asks why I hired Maya, just tell them what I said. She’s nothing but my servant, understood?”
“Yes, sir!”
Mayamaya ay nabaling ang tingin niya sa labas. Napansin niya si Maya na umahon mula sa pool, and she moves in slow motion as if she's doing a photo shoot for modeling purposes. This woman has a perfect figure as a model; he can’t deny that, but not the skinny one. He sees Maya’s body like those p*rn stars he had watched in the famous p*rnsite.
It’s odd. Since he had s*x with Maya, he started to watch p*rnographic videos. His curiosity about blowjobs pushed him to visit the x-rated website. It’s prohibited for him to watch that kind of video, but he already broke the barrier. He made a mistake that once leaked; his pretend innocence will turn into shame.
Hindi niya namalayan na nabuksan na niya ang glass door na nakatungo sa outdoor swimming pool. He hung up the call to Marlon and pointed his index finger to Maya, who was stretching her arms and turned in his direction.“I’m taking a bath na, sir!” sabi pa nito, nakangiti.
Tinawag niya ito sa pamamagitan ng daliri.
Hinablot nito ang tuwalya na nasa bench saka patakbong lumapit sa kan’ya. “Why, sir?” tanong pa nito.
“That’s enough. We will live after thirty minutes,” he said.
Sinuyod pa siya nito ng tingin. “Aalis kaagad? Hindi ka pa nga nakaligo.”
He knotted his forehead. Maya was forcing him to speak Tagalog. Since his mother left behind, he has lost interest in using the language. It’s useless—not until he meets Maya. He has to start using Tagalog again. Magagamit na naman niya ng dictionary ng mommy niya.
“Just get dressed, lady!” aniya. Iniwan na niya sa bench ang cellphone at isinara ang glass door.
Umalis na rin si Maya. Pagkuwan ay tumalon na siya sa tubig at lumangoy.