LINGGO ng umaga na pumunta si Maya sa bahay ni Donovan. Sa hapon kasi ang schedule ng singing gig niya sa hotel ni Selvestre. Hindi pa umuuwi si Yoshin mula Subic Bay at wala itong tawag sa kan’ya. Maaga rin siyang umalis ng bahay ni Vladimir, at maaring nagkasalisi lang sila ni Yoshin. Pagdating sa bahay ni Donovan ay naabutan pa niya ang ginoo. Nag-aalmusal ito kasama ang asawa. “Good morning, sir, ma’am!” nakangiting bati niya sa mag-asawa. “Who is she?” bigla’y tanong ni Luciana. Nakalimutan na naman siya nito. “She’s Maya, the singer, remember?” ani Donovan. Nang makaalala ay umaliwalas ang mukha ng ginang. “Oh! Maya! You came, finally!” sabik na wika ng ginang. “Come here, let’s have breakfast first,” paanyaya nito. “Thanks, ma’am, but I’ve done my breakfast,” naiilang niyang s