SINUBUKAN ni Maya na tawagan ulit si Yoshin pero hindi na sumasagot. Hindi rin sumasagot sa tawag niya si Chase. Urat na urat na siya. Nakailang balik na siya sa CR dahil ihi nang ihi. Na-stress na naman siya. Ikinalma rin niya ang sarili nang siya na ang susunod na mag-perform. Nakahanda na ang pianong gagamitin niya at nailipat sa bandang gitna ng entablado kung saan nakatutok ang spotlight. Mabuti sanay siyang kumanta sa maraming tao. Kakaiba ang excitement niya dahil may mga kilalang politician at artist ding naroon at nanonood. Biglang tumahimik nang magsimula na siyang tumugtog ng piano. May backup orchestra naman siya at na-adapt na ang piyesa niya. Nang magsimula na siyang kumanta ay napansin niya ang ngiti sa mukha ng manonood. Isa rin iyon sa pangarap niya, ang makapag-perform