LEIGH’S POV: “Sa wakas natapos ko rin!” Masaya pang inunat ni Dina ang dalawang braso niya habang ako naman ay inaayos ang gamit ko sa mesa. Katatapos lang namin i-retouch ang design na ipapasa namin bukas para sa approval ni Kiefer. Tiningnan ko ang wrist watch ko at pasado alas-dose na ng tanghali. Nagyaya nang kumain ang mga katrabaho ko at si Dina at KC naman ay halatang gutom na dahil excited na sila kung ano ang menu sa canteen. “Hi hija!” Napatingin ako sa may pintuan nang papasok ang mama ni Kiefer. “M-ma?!” gulat akong napatayo sa kinauupuan ko nang makita ko ang byenan ko at papalapit na nakangiti sa akin. “Ma?!” sabay na sambit naman ng mga katrabaho ko. Lumapit ako sa byenan ko at pilit akong napangiti sa kaniya. Humarap ako sa mga katrabaho ko at ramdam ko ang pangin

