LEIGH’S POV: “Oy Leigh, nakita mo na ba siya?” Kaagad na bungad sa’kin ni KC pagdating ko ng opisina. Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa ko at saka ko naman binuksan ang desktop ko. Itinali ko pa pataas ang buhok ko at saka ko muling binalingan si KC na mukhang may bago na naman siyang ikukuwento sa’kin. “Sino?” curious kong tanong. Lumapit pa siya sa’kin para hindi marinig ng iba at nagpalinga-linga pa siya sa paligid. “Iyong first love ni Mr. Grim Kiefer,” bulong pa niya. Naikuyom ko ang isang palad ko at para akong nawala sa ulirat pagkarinig ko sa sinabing iyon ni KC. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang dumating ang araw na babalik ‘yong talagang nagmamay-ari ng puso niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at parang naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang mata ko

