11. Ate Aira

1503 Words
Chapter Eleven "Mukha ba akong nakikipaglokohan sa 'yo, Manika Servantino?" hiyaw ng lalaki na para bang nasa dulo ako ng mesa kahit nasa pinakamalapit na upuan lang ako. Pinalo ko ang braso nito. "Ang lapit-lapit mo lang tapos sumisigaw ka pa? Pwede mo naman akong kausapin ng kalmado ka lang," reklamo ko rito. "Kalmado? Paano akong kakalma kung napakaraming mamamayan ng San Gabriel ang namatay at nasa hospital pa iyong iba? Sa tingin mo kakalma ako? Nasaan ang pamilya mo? Nasaan ang mga rebelde?" gigil na tanong nito. "Nagugutom na ako, Gov Kal," mahinang ani ko. "Nahihilo na ako sa gutom." "Damn it! Ganito ka ba kamangmang? Wala ka rin bang emotional intelligence?" tinitigan ko siya. "Ano iyong emotional intelligence?" napakagatlabi si Gov. Claude sa tanong ko. Parang nagtitimpi ito. Huminga nang malalim. Dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko ay bumalik ang tingin ko sa dami ng pagkain. "Eat," utos nito sa akin. Eat? Kain iyon 'di ba? Pwede na? Nilingon ko si Ate Aira. "Kain na raw, Manika," udyok nito sa akin. Kaya napangiti ako. Gutom na gutom na talaga ako at ngayon lang masasayaran ng pagkain ang tiyan ko. Agad akong dumampot ng manok. Tinikman ko iyon. Napapikit nang malasahan ang sarap. "Manika, gumamit ka ng kutsara at tinidor," si Ate Aira ay agad tumabi sa akin. Marunong naman ako. Hindi ko lang napansin iyon at sanay rin naman akong magkamay. Pero dahil sinabi niya ay ginawa ko naman agad. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Hindi naman ako nagugutom sa bundok pero hindi ganito kasagana ang mesa. "Ano ito po?" tanong ko kay Ate Aira. "Bulalo," tinitigan ko iyon. Humigop ako ng sabaw. "Ahhhh! Ang sarap, ate!" tuwang-tuwa na bulalas ko. "Subukan mo rin iyong ibang ulam. Basta gumamit ka ng serving spoon. Ito ang serving spoon. Naintindihan mo?" agad akong tumango bago umatras si Ate Aira. Tahimik lang ang gobernador na nakamasid. "Gov. Kal, may problema---" "Ikaw Ang problema ko!" galit na sagot nito. "Nagtatanong lang eh! Bakit ka ba sigaw nang sigaw? Hindi naman ako bingi," paiyak na agad pero kumagat pa rin sa manok. Natigilan ang lalaki. "Just f*****g eat!" utos nito. Tumingin ako kay Ate Aira. "Ano raw pong sabi?" "Just... kantot kain daw, Manika," agad na bumaling ang tingin ni Governor Claude sa kasambahay niya. "What the f**k are you saying?" asik nito sa kasambahay. Muli akong tumingin sa kasambahay. "Ano raw, 'te?" "Ano ang kantot na sinasabi ko raw, Manika." "Damn it, Aira! Get out!" napakamot sa ulo si Ate Aira. Pero pinigilan ko ito. "Dito ka lang, ate. Hindi ko maintindihan si Gov. Kal." "At si Aira naiintindihan mo?" masungit talaga ang gobernador. Parang si ina kapag may regla. May buwanang dalawa siguro ito. "Hindi rin po pero buti tagalog ang sinasabi niya," napairap ang gobernador. Hinilot pa nito ang sintido. Sa dami ng pagkain sa harap nito ay hindi pa nito ginalaw. Parang nawalan siya ng ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit. Pero nagpatuloy lang ako sa pagkain. Baka hindi ako makakain bukas kaya sinulit ko talaga. "Eat slowly, Manika." Bumaling agad ang tingin ko kay Ate Aira. Pero bago ito sumagot ay inunahan na ito ng gobernador. "Bagalan mo ang kain mo, rebelde!" napatango-tango naman ako. Binagalan ko naman. Wala nga rin naman akong kaagaw. Kaya tama lang na bagalan ko. Nang nabusog ako ay hinimas ko pa ang aking tiyan. Busog na busog ako. "Salamat sa pagkain, Gov. Kal---" "Stop calling me that." Bubulong sana si Ate Aira pero itinapal na ng gobernador ang palad niya rito. "Shut the f**k up!" kinalabit ko si gov. "Hindi kita naiintindihan, Gov. Kailangan ko si Ate Aira biglang tagapaliwanag sa akin. Anong sabi niya, Ate Aira?" ani ko. "Subukan mong magsalita, Aira. Puputulan kita ng dila," banta nito sa babae. Kaya nang muli kong tinignan si Ate Aira ay wala na ito sa likuran ko. "Ikaw!" itinuro pa ako nito. "Umakyat ka na sa kwarto. Bukas ay nag-uusap tayo. Tiyakin mong naibibigay mo sa akin ang lahat ng impormasyong kailangan ko." Tinitigan ko lang ito, "Move!" sumenyas pa ito sa akin. "Umalis ka na sa harap ko." Saka lang ako kumilos at lumakad palabas. Pagdating ko sa sala ay iginala ko pa ang tingin ko. Bukas ang pinto. Pwede akong umalis. Pero maglalakad na naman? Ayaw ko na! Kaya naman tinungo ko ang hagdan at pumanhik na. -- "Manika," nakahiga na ako sa kama nang dumating si Ate Aira. May dala itong mga libro at ipinatong niya iyon sa kama. "Kapag gusto mong magbasa-basa ay nagdala ako ng libro. Kaya magaling ako sa English dahil sa mga librong ito." Agad kong dinampot ang isa. Binuklat. Tumulis ang nguso dahil kahit isa roon ay hindi ko mabasa. "Ate Aira, hindi po ako marunong magbasa ng ganito. Tagalog lang po." "Tuturuan kita. Dito talaga ako natuto." "Talaga po?" todo tango ito sa akin. "Itong sentence na ito... I'm dead serious." "Ako ay patay seryoso." "Huh? Patay ka na pero seryoso ka pa rin?" takang ani ko. "Be, binasa ko lang tapos tinagalog ko. Ito pa. Makinig ka sa aking mabuti. I walked across the street. Ang Tagalog no'n ay Ako ay lumakad sa Krus sa kalye." Napakurap-kurap ako kay Ate Aira. "Hindi ko maintindihan, ate. Kahit po tinagalog n'yo na." "Gano'n ba? Bobo ka pala talaga 'no, be? Pero okay lang iyan. Pasasaan ba't naiintindihan mo rin ang sinasabi ko. Habang narito ka ay titiyagain kong turuan ka. Huwag kang mawalan ng pag-asa." "Salamat po. Binabasa mo po ba ito gabi-gabi?" "10 minutes reading, be. Tapos inilalagay ko sa ilalim ng unan. Nakakatalino raw iyon." "Hala! Ang galing naman no'n, Ate Aira. Sige po. Ilalagay ko po sa ilalim ng unan ko." Inilagay ko naman. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na si Ate Aira na aalis siya. Humiga na rin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako namahay. Napagod din talaga siguro sa paglalakad kaya naman nakatulog agad. Tapos tanghali na nagising. "Good morning, Manika!" bati ni Ate Aira sa akin. "Magandang umaga, Ate Aira." "Maagang umalis si Governor Claude. Pwede tayong lumabas at maglakad-lakad. Pero mahigpit niyang bilin na hindi ka pwedeng lumabas ng bakuran." "Kahit naman payagan po niya ay hindi ko gagawin. Ang layo po nang lalakarin, ate. Kawawa naman po ako." "Buti naman. Sige na. Maligo ka na para makapag-almusal ka na." "Ate Aira, naligo na po ako kahapon." "Ha... Be, kailangan araw-araw kang maligo. Babaho iyang k**i mo kung hindi," turo nito sa aking p********e. Kinapa ko iyon. Inamoy ang kamay. "Hindi naman po---" "Gaga! Maligo na. Hindi kakain ng bilasang isda si gov." "Po?" takang ani ko. "Wala. Kilos, Manika. Kailangan araw-araw maligo." Sa bundok ay hindi naman gano'n. Linis lang. Pero hindi palaging naliligo. Tinulungan niya akong maligo. Itinuro rin niya sa akin kung paano gamitin ang mga bagay na makikita sa banyo. "Kapag tumae ka o umihi ay pindutin mo ito. Flush ang tawag dito. Shower head naman ito. Ito naman ay bathtub." Todo tango ako. Pati mga shampoo, sabon, at feminine wash ay mayroon din. Alam ko na iyon. Mabilis ko lang namang natutunan. Pagkatapos sa kwarto ay bumaba na kami ni Ate Aira. Naglalakad kami patungo sa dining room, iyon daw ang tawag, nang naisipan kong tanungin siya. "Ate Aira, sa tingin mo kailan kaya ako pakakawalan ni Governor Claude?" "Be, malabo ka n'yang pakawalan. Malaki ang kasalanan ninyo at ikaw ang alas niya para sa mga plano niya." "Alas? Baraha ba ako, Ate Aira?" "Bobo amputa!" natapik pa nito ang noo. Napatitig lang naman ako rito. Nang ipaghila niya ako ng upuan ay umupo naman ako roon. "Kain na, Manika. Pagbalik ni Governor ay tiyak kong bubungangaan ka na naman no'n." "Salbahe po siya 'no?" "Naku! Mabait iyon. Sadyang malaki lang ang kasalanan mo at ng grupo ninyo sa kanya. Mahal niya ang lalawigang ito. Pero sinira n'yo ang kapayapaan. Alam mo ba na hinahanap ka rin ng mga tao? Kapag lumabas ka at makita ka nila ay tiyak kakatayin ka nila." Natakot naman ako. May magandang epekto pala ang katamaran kong lumakad ng malayo. Napabuntonghininga ako, "Inom ka ng gatas," alok nito. "Sa susunod ay gatas na ni gov ang iinumin mo." "Po? May gatas po ba si Gov Kal? Hindi po ba't ina lang ang nagkakaroon ng gatas?" takang-taka na ani ko. "Hindi sa dede, sa hotdog n'ya." Hindi ko na naman naintindihan si Ate Aira. Parang mas lalo pang gumugulo kapag dinadagdagan n'ya nang paliwanag kaya hindi na lang ako umimik. Nang natapos akong kumain ay si Ate Aira na ang nagligpit. Saka niya ako niyayang lumabas. "Ang ganda-ganda rito, Ate Aira. Dito ba napunta ang mga kinurakot ni gov?" "Hala! Saan mo naman nakuha ang impormasyon na iyan?" huminto pa ito sa paglalakad. "Sa tagapamalita po sa bundok." "Ngek! Baka sa tsismosa niya kinuha ang balitang iyon. Mabuting gobernador si Governor Claude. Pinayayaman niya ang San Gabriel. Mabigyan ng trabaho ang maraming mamamayan dito." Ngayon, sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD