Tuwing umuuwi ako sa amin ay hindi ako magdadala ng sasakyan dahil nakakapagod ang byahe. Mas mainam pa rin na mag-bus na lang kaysa ako pa mismo ang magmamaneho. Aarkila na lang ako ng motorsiklo pagdating sa probinsya at magpahatid sa simbahan at sementeryo. Pagkatapos ay babalik na uli ako sa kabihasnan kung saan nakatira ang aking pamilya - ang aking mga asong doberman. Ala-una pa lang ng madaling araw ay umalis na ako ng bahay patungo sa bus terminal. Mga isang oras din kasi ang ibabyahe ko patungo doon. Mas pabor sa akin kung makasakay ako sa bus na aalis ng alas tres. Tamang-tama lang na sa aking pagdating sa San Agustin ay maaga pa at hindi pa gaanong mainit. Lulan na ako ng taxi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pambihira naman, o. Mabuti na lang at may dala akong makap