"Hindi ba tayo matutulog?" Tanong ko kay Indigo nang makarating kami sa bahay. It's already 3:30 in the morning. Medyo inaantok na ako pero kaya pa naman. Sayang naman ang mga pagkaing binili niya kung matutulog lang rin ako. "You said you wanted to eat some burgers." Napapatangong naglakad na lang ako palapit sa hagdan. Magpapalit lang muna ako ng damit bago kumain. Pakiramdam ko kasi'y napakalagkit ko na. Maalinsangan din, kaya baka saglit akong maligo. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago pumasok sa aking kwarto. Wala sa sariling napasandal ako sa pinto pagkatapos ko itong maisara. Mariin din akong napapikit. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. When was the last time I smiled like this? Ngiting dahil mismo kay Indigo? Three years? F