Maliliit na halik sa mukha ang tuluyang nagpagising sa akin. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Bigla akong natigilan sa pag-aakalang nabulag ako. Pero gabi na pala at nakapatay lang ang ilaw. "Good evening, sleeping beauty." "Good evening..." paos na tugon ko. Hindi kaagad ako nakahuma nang mabilis na dampian ng halik ni Indigo ang aking mga labi. "Hey, you're—" Muli na naman niya akong hinalikan. But this time may katagalan na. Hindi ko napigilan ang mapapikit nang mariin. What the hell? "Indigo..." anas ko nang maramdaman ang kaniyang halik sa aking panga pababa sa leeg. Kaagad namang tumigil si Indigo sa ginagawa. Marahan siyang lumayo sa akin bago ngumiti. "Let's go, dinner's ready." Napatango na lamang ako habang pupungas-pungas. Ilang minutong nakamasid lama