Napapabuntong-hiningang napatitig ako sa malakas na ulan. Sport festival ngayon pero parang hindi nakikisama ang panahon. Marahan kong inilabas ang cellphone. Tatawagan ko si Cassidy. Mukhang walang balak na pumunta dito sa school eh. Nalaman yatang hindi pupunta si Brick. Saglit kaming nag-usap ni Cassidy. Puro palusot pa ang gaga. Sa huli umamin rin naman. Bahala nga siya, malaki na rin naman siya. Basta ako, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya. Naku, malaman-laman ko lang na pinaglalaruan ni Brick si Cassidy, mananagot talaga iyon sa akin. "Elle!" Bigla akong napalingon kay Veo nang malakas niya akong tawagin. Nakasuot ito ng uniform nito para sa basketball. Mukhang malapit na itong maglaro. "Hi," nakangiti kong pagbati. "Manunood ka ba ng game?" "Sure, wala rin n