Kabanata 9

1394 Words

Nagmamadaling tinungo ko ang kuwarto ni Manang Lolit. Siya na lang ang palulutuin ko. Dahil baka malason ko pa si Indigo. Hindi ako marunong magluto. Bukas ang kuwarto ni Manang Lolit kaya hindi na ako nag-abala pang kumatok. Marahan akong pumasok at lumapit sa kaniyang kama. "Manang Lolit?" Tanong ko bago tinapik nang marahan ang kaniyang balikat. Napalunok ako nang makitang himbing na himbing ito sa pagtulog. "Anong gagawin ko?" Napapakagat sa labing lumabas na lang ako ng kuwarto ni Manang. Napapabuntong-hiningang bumalik ako kay Indigo. Nakahiga pa rin siya sa kama at nakadantay ang braso sa kaniyang mga mata. "Indigo, anong gusto mong kainin?" mataray kong tanong. Napansin ko ang marahang pagtanggal ni Indigo sa kaniyang kamay. Lumingon siya sa akin. Halata sa mga mata niya an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD