Pagkauwi sa bahay ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang aking kuwarto. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Indigo. Kailangan kong kalmahin ang sarili. Ayaw kong lamunin na naman ako ng inis. Wala si Kuya para magpakalma sa akin. Nakakainis! Bakit ba ang duwag ko kanina?! If I could only slap her face, ginawa ko na. Nakakaasar dahil kailangan pang makita ni Indigo ang pangyayaring iyon. Habang nakadapa sa kama'y narinig ko ang mahihinang katok sa pinto ng aking kuwarto. Kasunod niyon ang pagtawag sa akin ni Manang Lolit. "Hija, ipinapatanong ni Indigo kung ano raw ang gusto mong kainin sa dinner." Kaagad na kumunot ang aking noo. Mariin rin akong napapikit bago bumangon. Pinagbuksan ko ng pinto si Manang. Nakakawalang respeto naman kasi kung sasagot akong hindi siya hina