"Mukhang sasayad na iyang nguso mo sa lupa, anak." Komento ni Manang Lolit pagkababa ko sa kumedor. Saglit akong napahawak sa aking noo bago tamad na kinuha ang tasa para makapagtimpla ng kape. Since two days ang sport festival, last day na nito ngayon. And I still couldn't decide kung pupunta ba ako sa school ngayon o bibisitahin ko na lang si Cassidy. "Maagang umalis si Indigo, may laro pa raw ang mga estudyante niya." Awtomatikong kumunot ang aking noo dahil hindi naman ako nagtanong. Wala sa sariling napatango na lamang ako. Ayaw kong sabihin na wala akong pakialam dahil hindi naman talaga iyon ang totoo kong nararamdaman. I was actually expecting to see him here taking his breakfast, pero nadismaya lang ako nang wala akong madatnan. Kahapon, nang iwan ako ni Indigo sa aking ku