Monday morning. Hindi ko nakita kahit ang anino ni Indigo sa buong bahay. I secretly heaved a sigh of relief and continue eating my breakfast. Mabuting wala na si Indigo. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kaniya dahil sa huli ako lang ang iiyak. "Elle, anak..." pagtawag sa akin ni Manang Lolit. Saglit kong ininom ang aking juice bago humarap sa kaniya. "Bakit po?" "Maagang umalis si Indigo, kailangan raw siya ng daddy niya sa opisina. Hindi ka raw niya masasabayan sa pagpasok. At mamaya daw, sa dinner kun-" "Manang, pakisabi po sa kaniya na wala po akong pakialam." pagtataray ko bago tinapos ang almusal. "Pero hija, ang daddy niya ang may sabing dalhin ka sa family dinner nila. Pagbigyan mo na si Indigo, kahit ngayon lang." Napapairap na tumayo na lang ako't umakyat sa kuwarto. Wa