Kabanata 6

1450 Words
"Good morning!" Malaki ang ngiting bati sa akin ni Indigo nang pumasok ako sa kusina. Napapairap na nagtimpla ako ng kape. It's already ten in the morning, bakit nandito pa siya? Saturday ngayon, wala akong pasok. Wala rin yatang pasok si Indigo kaya ito, inaabala niya ang sarili sa paghahanda ng almusal. Pinili ko talagang lumabas ng tanghali na dahil ayaw ko siyang makasabay sa pag-aalmusal. Pero mukhang hindi umayon sa akin ang pagkakataon. "Bakit nandito ka pa rin?" pagtataray ko. Nakasimangot na umupo ako sa upuang malayo sa kaniya. "I was waiting for you." Sabi niyang may maliit na ngiti sa mga labi. "I cooked you breakfast." Napapataas ang kilay na tiningnan ko ang mga pagkaing nasa harap. Since wala naman akong pagpipilian kundi ang kainin kung anong nakahain; tahimik na kumuha na lang ako ng plato. Hindi ako umiimik hanggang sa paglalagay ko ng pagkain. "Do you have plans for today?" "Mall..." walang gana kong sabi. Ewan ko ba, gusto kong magtaray pa dahil iyon ang sinisigaw ng utak ko. Pero hindi ko magawa. Siguro dahil pakiramdam ko sobrang pagod ako. Kakaiyak siguro kagabi. s**t. "May problema ka ba?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Indigo. Hindi ako sumagot. Mabilis na tinapos ko ang pagkain. Kaagad ko ring inubos ang aking kape bago tumayo para umalis. "Elle, you can-." "Hindi porket tahimik ako ngayon habang kasama ka ay ayos na tayo." malamig kong sabi bago tuluyang lumabas ng kusina. Napapabuntong-hiningang pumasok ako sa aking kuwarto. Saglit akong tumunganga sa hangin bago inasikaso ang aking susuotin. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit nag-aaksaya ng oras si Indigo sa akin. Gaano ba siya kamanhid para hindi maramdamang ayaw kong narito siya? Hindi ba siya natatakot sa ginagawa niya? Paano kung may makakita sa kaniya dito sa bahay? Baka pag-isipan pa ako ng masama ng mga taong nakakakilala sa amin sa school. Baka isipin pa nilang kabit ako ni Indigo. Na kinakalantari ko siya para sa marka. Marahas akong napahinga nang matapos ako sa pagligo. Nang makalabas sa banyo'y awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. Did I forget to lock the door again? "You know what, pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo." Matalim ang tinging sabi ko kay Indigo. Nakatayo siya malapit sa study table ko. Mahigpit kong hinawakan ang robang suot ko. Lalo na nang makita ko ang seryosong titig sa akin ni Indigo. "Can we talk?" "Indigo-." Mariing napasabunot si Indigo sa kaniyang buhok. Bigla akong napatili nang malakas na ibinato ni Indigo ang isang stuffed toy na nakalagay sa study table ko. "Ano bang problema mo?!" galit kong sigaw bago dinampot ang kaawa-awang stuffed toy. "Kung galit ka, huwag mong idadamay ang gamit ko!" "Who gave that to you? Sa pagkakatanda ko'y wala akong ibinigay sayong ganiyan." malamig na sabi ni Indigo bago marahas na kinuha sa akin ang stuffed toy. "May manliligaw ka? May pinayagan kang manligaw sa iyo?!" Napapaawang ang bibig na tiningnan ko siya bago sumagot. "Ano namang pakialam mo?! Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganiyan?" "Damn it Elle! Hindi pa ba halatang ayaw kong tumatanggao ka ng manliligaw?!" "Wala kang pakialam sa mga desisyon ko sa buhay!" Galit ko ring sigaw bago muling binawi kay Indigo ang hawak. "You are mine! Kaya may karapatan akong pakialaman ang mga gagawin mo sa buhay!" Maawtoridad na sabi ni Indigo. Bigla akong natakot nang marinig ang boses niya. Ramdam ko rin ang pagtaas ng mga balahibo ko. "You're disgusting, may asawa kang tao Indigo. You should at least, respect-." "Sinong nagsabing may asawa ako?" "What?" "You never gave me the chance to explain. Kaya ka galit sa akin ay dahil sa mga sapantaha mong mali!" Mariin niyang sagot bago lumapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko pataas sa aking pisngi. "Hindi ko asawa si Kismet." "Pero hindi pa rin iyon sapat para patawarin kita. You left me. Hindi ka nagpaalam, hindi ka nagparamdam pagkatapos mong umalis. Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong sabihin na pag-aari mo ako? In your dreams Mr. Vergara." Malamig kong sabi bago kinuha ang mga damit kong susuotin. Bago tuluyang makapasok sa banyo ay narinig ko pa ang marahas na paghinga ni Indigo. Ilang sandali lang ay malakas na sumara ang pinto ng aking kuwarto. Wala akong pakialam kung galit siya. Galit rin ako dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. Kung hindi naman pala niya asawa si Kismet, bakit umalis siyang kasama nito? Bakit ilang taon silang nagsama sa ibang bansa? Oo, mali na hindi ko siya pinakinggan. Pero may mali rin siya! He never asked for my forgiveness pagkatapos kong malaman ang tungkol sa arranged marriage nila ni Kismet. Yes he tried once pero nasundan ba? Hindi, dahil bigla siyang umalis kasama ni Kismet! I was ready to listen for his explanation pero bigla siyang nawala! I was ready to forgive him pero pinatunayan lang ng pag-alis niya ang akala kong si Kismet talaga ang pinili niya. Ano bang alam ko noon? I was only seventeen! Natural na maging mababaw ang dahilan ko para magalit. Pero nang lumipas ang ilang taong wala akong narinig mula sa kaniya, lumalim ang galit ko. Tapos ngayon, bumalik siya't pinakikialam ang tahimik ko na sanang buhay? Naiinis na lumabas ako ng banyo. Nawalan tuloy ako ng ganang umalis ng bahay. Salubong ang kilay na pinatuyo ko na lang ang aking buhok. Pagkatapos ay saglit akong napatitig sa repleksiyon ko sa salamin. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga pagbabago sa akin. Napapabuntong-hiningang nalipat ang tingin ko sa stuffed toy na pinagdiskitahan ni Indigo. Marahang inabot ko iyon bago niyakap. "Cassidy gave this to me, idiot." mariin kong sabi bago inayos ang pagkakalagay ng stuffed toy sa dati nitong puwesto. Pinakatitigan kong mabuti ang bigay sa akin ni Cassidy. Ilang sandali lang ay nakita ko na lang ang sariling binubuksan ang isang pinto katabi ng mini walk-in closet ko. Bumungad sa akin ang sandamakmak na stuffed toys at ilang unan na malalaki. Iba-iba rin ang print niyon at halatang galing sa mamahaling store. Simula nang iwan ako ni Indigo ay pinilit kong itago lahat ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin ng tungkol sa kaniya. Sa maliit na kuwartong ito, inilagay ko lahat ng bigay niya sa aking mga gamit. Magmula sa kulay pink na sapatos hanggang sa kwentas na siyang kahuli-hulihang ibinigay niya sa akin. Sarkastiko akong napatawa. Hindi nga pala ang kwentas ang huli niyang regalo sa akin. Tahimik na inilibot ko ang tingin. Punong-puno ang buong kuwarto. Paglipas ng ilang taon ay ngayon ko na lang ulit nabuksan ang kuwartong ito. Mariin akong napapikit. Marahang hinawakan ko ang napakalaking teddy bear. Indigo gave this to me right after my birthday. Pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako noong gabi ng birthday ko'y kinuha niya ang teddy bear na ito sa terrace ng kuwarto ko. Tuwang-tuwa pa ako noon. Pero nang mangyari nga ang pag-iwan sa akin ni Indigo, ito ang unang-unang pinagbuntunan ko ng galit. Napapailing na hinawakan ko ang nakalaylay na mata ng teddy bear. "Kung hindi kasi ako iniwan ni Indigo, hindi mo sana dinanas ang kalupitan ko." Mahina kong sabi bago hinaplos ang malaking mukha ng teddy bear. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kaya wala sa sariling niyakap ko ang teddy bear. Mas malaki pa ito sa akin kaya naging komportable ako sa pagyakap rito. Maya-maya'y bigla na lang lumakas ang tahimik kong pag-iyak. Nasasaktan pa rin ako kahit na sinabi sa akin ni Indigo na hindi niya pinakasalan si Kismet. Wala akong tigil sa paghagulgol hanggang sa namalayan ko na lang na bumibigat na pala ang mga talukap ko. Nakatulog akong nakayakap sa malaking teddy bear. - "Narinig ko iyong sigawan ninyo ni Elle, Indigo." Malumanay ang boses na sabi sa akin ni Manang Lolit. "Hindi ko man gustuhing marinig ay hindi ko magawa. Pasensiya ka na anak." Marahan akong napatango bago ipinagpatuloy ang pagpapaligo sa aking kotse. "Ayos lang po." Narinig ko ang marahang pagbuntong-hininga ni Manang Lolit. Kaya napalingon ako sa kaniya. "Hayaan mo, Indigo, mapapatawad ka rin ni Elle. Alam ko namang mahal na mahal mo pa rin ang alaga kong iyon." Tipid akong napangiti bago huminga nang malalim. "Huwag po kayong mag-alala Manang Lolit. Gagawin ko po ang lahat para bumalik kami sa dati ni Elle." Nang makaalis si Manang Lolit ay saka ko lang sinulyapan ang terrace sa kuwarto ni Elle. Nasabi ko na ang bagay na siyang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Elle. Ngayon, kung hindi niya pa rin ako mapapatawad, gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Nawala na siya sa akin noon. Hindi na ako papayag na mawala ulit siya sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD